Wednesday, May 02, 2007

Knock knock nakaw ang cellphone ko.

Knock knock nakaw ang cellphone ko.
Or.
Ate Guard, where were you in my hour of need?

Aug 20, 2005
Sa Unibersidad ng Something Someone. Madilim. Gabi na kasi. Kakatapos
ng klase naming itago natin sa pangalang "Physics Lab." Tagumpay ang
lahat sa paghanap ng 92 Ways To Balance A Meter Stick Color Yellow.
Pauwi na kami ni Ms. ------ nang may tumawag sa dakong paroon. Sa
aking heightened sense of touch smell sight bunga ng pag-inom ng
lata-latang Nido bago maimbento ang lactose intolerance, naaninag ko
si Mr. -----, magpapatono raw ng gitara.

Ngayon. Ang pagtono ng gitara ay gawaing maselan. Una, kailangang
hawak ang gitara nang nakalapat sa dibdib, sudat! ang sinusoidal
waveforms ay naglalaro sa rib cage, kung saan 93.3% ng pagtotono ay
nangyayari. (4% sa kuko, 2% sa tainga, 99% sa Dyos Ama.) Pangalawa,
para magmukhang totoo ang pagtotono, mabisa ang pagpikit ng mata at
pa-sway-sway a la Stevie Wonder convince me of your genius, get the
wheel and drive. Pangatlo, kailangang maupo, for maximum satisfaction
due in large part to the normal force transferred directly to the
dermis. Ako'y naupo.

Lumipas ang ilang daang taon. Sa awa ng Dyos Ama, naitono rin ang
gitara. Binanatan ko ang Pagbabalik ng Kwago ni Karl Roy at Ira Cruz
ng Kapatid. Mahirap gawin ito, lalu't hindi ko alam ang chords pero!
sabayan nyo ako: "Pagbalik ng kwago, ang kwago sa gabi. Sasamahan tayo
kahit madilim. Nagbibigay liwanag ang kanyang mga mata. At lilipad
tayo sa mundo." Nag-uusap sina Mr. ----- at Ms. ------, pero di ko
sila pansin, abala ako sa kwago. Hinihingi ni Ms. ------ ang cellphone
ko, may kailangan syang numero. Iniabot ko. "Dadalhin tayo sa paraiso!
Sa pugad ng langit ang lahat ay magkapatid! Pantay-pantay lang, walang
lamangan. Nagkakaisa't nagbibigayan!! HOH!!!" Maraming power chords
ang kwago. Mahirap mag-power chords sa gitarang acoustic. Pero kinaya
ko. Kinaya ko lahat. Ibinalik ni Ms. ------ ang cellphone. Inilapag ko
sa aking tabi. Malapit nang makabalik ang kuwago.. Ayan na sya.. Buti
naman, dahil mabubuking na ako sa aking pagpapanggap. "OK na yan,
salamat," husga ni Mr. ------, nakumbinse marahil sa aking masterful
rendition. Tumuloy na kami ni Ms. ------.

Ngayon. Nang malanghap ko ang leafy fragrance ng green green grass of
the football field ng Unibersidad (hatid sa inyo ng aking heightened
senses), nag-spot inspection ang aking right hand over my apparel,
hanap ay cellphone. Kinapkap ang kanang bulsa. Ang kaliwa. Wala.
Hinalungkat ang ukay-Baguio backpack. Wala. Namulupot sa aba kong
dibdib ang mapanupil na galamay ng takot. "Napansin mo ang cellphone
ko?" nagmamakaawa kong tanong kay Ms. ------. "Ibinalik ko sa iyo,"
ang walang-puso nyang sagot. "Teka, i-ring ko.. Nagri-ring." "Sige
mauna ka na," agad kong sabi, sabay takbo at SuperSpeed pabalik ng
Laboratory of Pendula and Alleles. (Sa nakakarami, mahirap abutin ang
SuperSpeed. Pero sa mangilan-ngilan sa ating walang takot ngumuya ng
okra tulad ko, this is easy to do, that is why Sundin ang payo ni
Inay, kumain ng green leafy vegetables because! mahal na ang baka at
lansones ngayon.) Dinatnan ko in Unreal Time ang Podium of Rock, kung
saan isinabog ko sa Unibersidad ang Pagbabalik ng Kwago limang minuto
ang nakaraan. Wala na ang voice (and other data forms) transceiver,
the object of my Quest. Ang cellphone na ibinili sa akin ng tatay
namin, sa halagang 14milyon tansan pesoses with change tumataginting.
Ang teleponong nagproklamang girls=Pain bago pa man maiproklama si
Arroyo sa tulong ni Garcillano.

Wika nga ni Pareng Larry ni Gio, Ukinnana.
O ni Budoy Junior Kilat, K fine, tse ka lang potangyawa.

Lumapit sa akin si Mr. -----, tinawagan ang numerong nakaukit sa aking
medulla oblongata but no! Ang sabi ng babaing recording, na malay
natin ay 72 years old na pala ngayon, ay Cannot Be Rich daw ako.
Ampocha, alam ko na yan noh! Are you implying that i want to be rich?
Ha?? I don't want riches hmmkay? But on second thought it would be
much appreciated should i win the Megalotto on Wednesday hmmkay? Sa
nagdidilim kong paningin, may pelikulang Now Showing: ang SIM kong
Smart, ihinulog sa daang aspaltado, inapak-apakan at dinuraan.

Pwes. Masdan nyo itong mga kamao: Sinuntok ko ang hangin. Di nakaganti
ang hangin. Sinuntok ko uli. Bogbog ang hangin. Nagtaasan ang kinetic
energy ng local gas molecules by 0.0031 joules. Nagulantang ang
solitaryong paru-paro. Lumindol sa Kyoto. Tiningala ko ang langit. Ang
tangi kong tanong: "Ate Guard, Ate Guard. Why have you forsaken me??"

Tahimik si Ate Guard.
Tahimik ang langit.
Lahat ay tahimik.

Wika noon ni Michael Stipes, Oooh life, isniger.

Ang cellphone, tulad ng pag-ibig, gustuhin man nating maging atin
forever and ever, ay lumilisan din ganumpaman ang tanging pabaon ko..
Ay. Si Cookie Chua pala yun.

That is why, as a sign of protest, Wag Na Wag na lang kaya akong
mag-cellphone? Or. Hingin ko na lang ang 83milyon10 ni Pilmur.

No comments: