Tuesday, May 01, 2007

Tara na, byahe tayo sa Horishima.


Vince Carter, Tamaraw Na
August 12, 2005

FAR EASTERN UNIVERSITY, MORAYTA COR. YELLOW CAB -- Sa wakas, alam na

nating lahat kumbakit di matalo-talo ng fight-all UP Fighting Miroons
(with matching fight-all U! Nibersidad! Ng Pilipinas! Tumbling Women
With Beautiful Navels) ang FEU Tamaraws FX. Nasa FEU na kasi si #15
Vince Carter, sa kursong Master of Science in Nike dobol wid Gatorade.

Bago magtuos ang dalawang eskuylahan, tanging ang UP Fighting Miroons
na lang ang naiwang hadlang sa WORLD DOMINATION ng mighty mighty FEU
Tamaraws FX. Ang Miroons ay may kartadang 4-2 bago ang laro,
natsambahan kasi ng UE at Atenisti, sa tulong ng bulag na referee,
samantalang ang Tamaraws FX nama'y may win-loss card na.. Ano pa, eh
di 6-0, sinagasaan lahat ng school building sa UAAP: ang UE, ang
Adamson, ang NU, LaSalle, Atenisti at UST.

*Begin Side Bet*

Nais kong batiin ang UST Growling Tigers Made in Bengal. Pagbati! Sana
naman, sa susunod na isyu ay centerfold ka na, ay, mali. Sana maitawid
na sa half court ang bola nang di nananakaw. Atsaka, sana sa susunod
na buhos ng so-called "galit na ulan, galit na galit," ay 1 palad X 2
palad na lang ang tubig sa Espana sudat! di na tayo gumastos ng 1
milyon dollars sa taxi ni Manong Drayber mula P. Noval hanggang
Montessori hmmmkay?

*End Side Bet*

Maaksyon ang naging laro sa Araneta Collishum. (Kung saan when we were
young and still in college, binato si Ely Buendia ng 500 mL Agua
Buddha mineral water, na ibinato nya rin sa nambatong punk, na
nakaranas ng extreme physical BOGBOG courtesy of Manong Bouncer In
Black. Ayos na sana, tuloy na sana ang concert but wait! Nang umakyat
sa stage ang The Youth "We're Not Worthy!" in Jesus brown robes
attire, tuluyan nang nabuwang ang Punk's Not Dead Regiment
that is why Wag Na Wag Mong Sasabihing manonood ka ng concert kung
saan pinaghalo ang Rockstar at The Youth hmmmkay??) Bagama't
namayagpag ang nagtotorehang tore ng FEU in the persons of Mark Isip
and Arwind Santos (kailan ba gagraduate itong si Arwind Santos at nang
mawalan na ng sungay itong FEU??), hindi tuluyang nakalayo ang
Tamaraws FX sa Fighting Miroons. Mahusay kasi ang ipinakitang laro
nina Marvin Cruz at Axel Doruelo, na oo nga't di gaanong gwapo at di
katangkaran, ay umani naman ng 15 rebounds much like hinog na palay
bago dumating ang ibong Maya at pesteng daga that is why pinagbabawal
ng mga lolo natin noon, at ng DENR ngayon, ang pagpatay ng Philippine
Rat-Gulping Python (Multa: Sampung libong piso). At, syempre pa, wag
nating kalimutan ang substantial, no! wait! Unquantifiable happiness
na dulot di lang sa UP Fighting Maroons kundi pati na rin sa amin ni
Totz, na nakatutok Live sa
Studio 23 Kabarkada Mo, ng naggagandahang dilag ng UP in maroon
blouses and baby tees. Panay ang pa-focus ni Manong Cameraman sa
naggagandahang dilag ng UP, katulad marahil sa legendary pa-focus ni
Alex G. Mendenilla sa "Birdie Amidst A River Of White Saput-Sapot
aMEN!"

Sa ganitong paraan, laging anim na puntos lamang ang kalamangan ng
FEU. "Very manageable," wika ni Boom at TJ Manotoc alyas Dean Cain
Believe It Or Not ngunit! Sa madugong third quarter, na minsa'y
tinawag na third half ni Chris, ang hinayupak na Arwind Santos, sa
pag-aakalang sya'y tipaklong, ay nakadalawang TWO-HUNDRED DUNK ay!
mali! Two-handed dunk pala, may naalala kasi ako ehem ehem.
Kayang-kaya sana itong sagutin ni Axel Doruelo, sa
katunayan, nag-LONG DISTAN three points nga sya eh, dobol wid PLEETRO
but wait! Ganun na lang ang pagkadismaya ni Coach Vergara nang marinig
nya kay Kris Aquino "I'm done with you na, Philip, I'm done with you
na, Joey" sa The Buzz na naka-Tamaraws FX jersey na pala si #15 Vince
Carter.

Yun na. Alam na.



1. Empire of the Rising Sun - sa paborito nating Venn diagram, ito ang
subset ng Empire of the Sun
Pinag-uusapan nila si Christian Bale, mahusay kasi si Batman Begins.
Alipio: Dibdiban talaga yung acting sa kanya ano? Minus 60 lbs sa
Machinist tapos plus 90 sa Batman.
Glenn: Ungaeh. Kaso namimili sya ng project.
Alipio: Ano pa ba ibang film nya bukod sa Reign of Fire?
Rykiel: Sir, sa Equilibrium andun sya.
Glenn: Oo nga, sya yun! Sya rin yung bata sa Empire of the Rising Sun.
Alipio: Yung mahilig sa eroplano?
Glenn: Oo sya yun!
Alipio: Pero Brod hindi Empire of the Rising Sun title nun.
Glenn: Ay gagi! (Sabay hampas kay Alipio.)

2. Alex Math - ang 3-unit arithmetic requirement ng kursong B.S.
Closet Technology
Pasikat si Alex sa TIMES at dibaydibay.
Mando: 98 x 3... Hmmm.. 294.
Alex: Oo nga, tama yan! 98 x 3 is 100 minus 2 x 3.. That is 300 - 4 =
294...
Mando: Brod...
Alex: (Indignant.) Ano ka! Tama yun noh!!
Mando: Mali nga..
Alex: Di ba 300 - 6 = 296...
Mando: Ang kulit ampocha!

3. M.S. - Master of Studies
Sa Shakey's V-League, bukod sa ang byonda-byonda ni #14 Soriano, may
player ang Atenisti na galing LaSalle. Sabi ng commentator sa TV:
"She now plays for the Atenisti; she's taking her Master of Studies
there, I believe."

4. email address - isang birtwal na address na binubuo ng puros numero
Galit si Rainier bakit di makaintindi si Yonyon:
"Di ko nga ma-mail forward sayo kasi di ko alam number mo."

5. toxijology - the toxicity of jologs
Babayaran na ni Yoli ang bills ni Alipio sa PGH.
Alipio: Baba kang elevator, kanan, diretso trauma ward, bago dun yung
pinto.
Yoli: Baba akong elevator, kanan, direcho, dun yung toxijology..

6. monologue - hindi gigital
Nagkukwento si Pareng Larry ni Gio:
"May emergy noon sa amin, 1980s. Yung ate ko na-ospital. Nag-text
nanay ko, este tumawag pala, sa cellphone na monologue."

7. prospect - sinumang pinaghihinalaang may kagagawan ng krimen
May kwento din si Pareng Sherwin ni Gio:
"Nanakawan ng TV ang barangay hall ng Bakakeng noon. Mahirap na nga
ako, ginawa pa nila akong prospect! Ukinnana!"

8. Nepaleon - mamamayan ng Nepal
Nagpuntang Nepal ang Extra Challengers. Pinapasuot sila ni Ethel B. ng
headgear:
"Yaan.. Para maging ano talaga kayo.. Nepaleon."

9. pasyente - ang paying customer ng Filipino jeepney
Reklamo ni Madam Professor sa drayber:
"Di pwede maging drayber ng jeep ito, kawawa ang mga pasyente nya."

10. bareheaded - the necessary requirement to being destroyed by radium
laser
Ang instructions sa manual ng Nextbase Quiapo DVD player:
"Precaution: Do not remove the covers by yourself. Please ask
qualified people for
repairing. To prevent being destroyed by radium laser, when remove the
cover, please do not face or go near to the radium bareheaded."

11. generic - nasa genes
May theory si Botog tungkol sa sipon:
"Ang sipon nakakahawa yan. Kaya ok lang na mahawa ako. Pero! Yung
asthma kasi, generic yan. Kaya, may asthma ako."

12. ten years - ang maximum full term ng Villanuyba pregnancy
Panalo si Yoli sa kwentong palakihan ng tyan:
"Hmp, yung tyan nga ng nanay ko eh, akala mo ten months. Ay, ten
years."

13. bulagin - variant of bulabugin; to make a commotion sudat! the
neighbors wake up
Lilipat na kasi sina Alipio Mitz Yoli dito sa amin.
Mitz: Oy, pag lumipat na kami hatid nyo ko sa sakayan ng taxi ha.
Glenn: Oo ba. Bulagin mo lang kami dito.

14. CD-Tape - after DVD-tape, ang 2nd highest hi-tech data format
Sa wakas, nabuksan din nila ang tapes.
Cong. Remulla: The tapes of the CDs, do they have markings?
Wycoco: We are submitting all the tapes your Honor. The markings are:
Wiretapped recording original and altered. Copies made by the NBI.

Aha! Pirata rin pala ang NBI!

15. two - in Congress arithmetic, two equals three for large values of
two
Cong. XXX: Your Honor...
Cong. Remulla: Yes, the Honorable XXX.
Cong. XXX: Your Honor, i waive my 3 minutes of interpellation but i
will make a
manifestation of TWO! points. ONE! (Dramatic pause.) That Republic Act
No. 4200 explicitly declares UNLAWFUL playing of a taped conversation
between PRIVATE individuals procured illegally. TWO! (Dramatic pause.)
That Congress as an institution must set an example of upholding the
law. And THREE! (Dramatic pause.)

Yun na. Alam na.

16. wisdomful - umaapaw sa wisdom
Hiwalay na si Snooky at Ricardo. Sabi ni Snooky:
"I am so lucky and thankful that my two daughters are very supportive
and wisdomful."

17. one - in showbusiness arithmetic, one equals two for large values
of one
Bakit ba naging TV host itong si Richard??
Richard: Bakit kayo naghiwalay?
Snooky: I'll say it in one word Rich, irreconcilable differences. Ay,
two words.

18. I'll take your head with you - ang pinakasikat na linya sa
Motorcycle Diaries
May singgol na motorsiklo. May babaing backride. Kapit na kapit.
Rainier: San kaya nakakapit yun?
Mitz: Ewan ko..
Rainier: Baka sabi nya, "If i go down, I'll take your head with you!"

19. hiram - minsan sa buhay natin, hindi borrow ang Inggles ng hiram
May LCD presentation si Mark Llena.
Mark: Kuya Al, may kilala kang mahihiraman ng LCD projector?
Alipio: Alam mo ba magkano yun?
Mark: 200k..
Alipio: Tingin mo may magpapahiram sayo ng ganun?
Mark: Eh di wag na lang hiram Kuya Al, borrow na lang, yeh.

20. coffeemaker - yung puting powder na nilalako ni Alex Compton
Sa MBE, kukuha ng kape si Mark Llena.
Mark: (Titikman ang kape.) Kuya Al, coffeemaker ba to?
Alipio: Hindi.
Mark: Kasi tinikman ko, di rin sya sugar eh.
Alipio: Di yan sugar. Di rin yan coffeemaker.
Car (taga-MBE galing Iligan, antigas daw ng punto sabi ni Glenn.
Nanlait ang walang punto!): Baka naman coffeemate ibig mong sabihin,
Bay.
Mark: Ah.. yun nga!

21. CD-writer - ang computer accessory na di kailangan ng CD
Tech-savvy din itong si Mark Llena.
Mark: Kuya Al, pwede ba akong mag-burn ng CD?
Alipio: Punta ka sa taas, merong dalawang writer dun.
Mark: Kailangan pa bang lagyan ng CD yun?
Alipio: Kung ayaw mo, eh di wag.

22. Horishima - kasama ang Nanggusakki, ang dalawang syudad na BOGBOG
sa nuclear launch DETECTUDD
Starcraft. Magkakampi ang Mitz at Yoli laban sa apat na computer.
Bogbog na sila. Sumuko na si Mitz. Si Yoli lumalaban pa rin.
Nagpapalipad na papuntang kabundukan.
Mitz: Tama na yan, Yo. Next game na.

Ayaw pa ring sumuko ni Yoli. Eh, na-nuke sya.
Mitz: O, ayan, na-Horishima ka tuloy!

23. miswa - ang dating mustasa, na kapit-ugat ng labanos malapit sa
bahay-kubo
Magluluto si Alipio. Sinigang na maya-maya. Nasa palengke sila ng
Philcoa.
Al: Ano'ng gusto mong ihalo?
Yoli: Miswa.
Al: Ha?? Baka miso ibig mong sabihin.
Yoli: Hindi, miswa. Ginagawa kaya namin yun.
Al: San naman tayo makakabili nun, eh puro gulay dito.
Yoli: (Makikita ang miswa.) Hayun!
Alipio: (Makikita rin ang miswa. Mukhang pechay.) Yun pala Brod,
mustasa.
Yoli: Naman eh! Uwi na lang ako sa amin...

24. blouse - ang casual wear for men
Kaldereta ni Awayan. Maraming taba. Masarap. Mainit. Nakakapawis.
Alipio: Ang galing mo talaga Brod! Di ko talaga sila maintindihan.
(Sila, meaning
girls=Pain.)
Rainier: Namo.
Melo: (Maghuhubad ng tshirt.) Sarappp!!
Mitz: (Nalagyan ng maong thread ang plato.) Ayy! (Titingnan nang
masama si Melo.)
Melo: Di akin yan noh, kita mong blouse tong hinubad ko eh.

---

Alipio's Memory Principle (originally Hurewitz's):
The probability of forgetting something is directly proportional to...
to... uh.....
Ampocha! Bakit, are you implying that I'm old? Ha??

No comments: