Tuesday, April 29, 2008

DeeBeeDi Booooss, Myeeex Myeeex!!

Mon, Sep 19, 2005 at 1:22 AM

DeeBeeDi Booooss, Myeeex Myeeex!!
(Dedicated to Gio Saputsapotman.)

Noong Sept 3, Sabado, talo ang Pharma boys and girls and girlaloosh sa
volleyball. Eh nasa Espana na rin lang, diniretso ko na ang the land
of Deebeedi Booooss. Ito ang mga napanood ko nitong mga nakaraang
araw, pati na rin ang ilang pinanood noong huling buwan.

FAIR WARNING (in Bisaya, AY'G INGNANG WA KA INGNI): Ang umehe dito,
BOGBOG! Ay, sa UST overpass pala yun. Minsan, dahil sa bugso ng
damdamin, may spoiler sa ilang kwento. Yun bang, tulad ng ginawa ni
Tuks noon kay Alipio sa The Ghost and the Darkness.. Suspend na
suspend si Al sa panonood sa SM North. Kasi ba naman, inatake ng
dalawang leon ang istasyon ng tren (sa Africa ito). Andaming dugo,
andaming gulpi at bogbog, tapos, ayan na, isang talon na lang, abot na
ng leon ang asawa ba yun ni Val Kilmer.. Sabi ba naman ni Tuks kay Al,
Panaginip yan Brod, dream sequence lang yan.. Aypocha, tuwang-tuwa si
Alipio! Tuwang-tuwa sa inis!! Hehehe, genius talaga itong si Tuks.
Tuks, tunay kang Physicist Bright, Brod! Pag nangyari man ito dito sa
DeeBeeDi Booooss Myeeex Myeeex, tiyak wala akong kinalaman. Yung
keyboard ang sisihin.

1. Birth
Totoo nga kaya ang reincarnation? Bumalik ba ang dating asawa ni
Nicole Kidman sa katawan ng sampung taong gulang na bata? At ngayon
pang ikakasal na sya uli! Kilalanin si Sean, ang pinaka-weirdong bata
sa balat ng flatscreen. Kung babae ang maglalarawan sa character ni
Sean, siguradong sasabihin, "Eew, creepy, eew eew." Aba'y creepy nga!
Kasi hindi magaslaw itong si Sean. Di sya sumisigaw, di nagwawala.
Nagsasalita lang. Kaya mas lalu syang nakakatakot. Pinapaalala nya kay
Nicole Kidman yung mga karanasan nila noon. Kung ano ang ginawa nila
sa green na sofa. Hm, ano kaya yun? Kung sino ang nagsabi sa kanyang
walang Santa Claus. Mga impormasyong tanging asawa nya lang ang may
alam. Kaya, itong si Nicole Kidman, hirap na hirap. Asawa nya nga ba
si Sean?? Ako rin, hirap na hirap. Si Nicole Kidman yan eh. Bakit nya
ba kailangang mahirapan? Gusto ko syang tulungan. Gusto ko syang
pasayahin. Ano na ang mangyayari kay Nicole Kidman? Kay Sean? Panoorin
ang DeeBeeDi Booooss.

2. Malcolm in the Middle: The Complete Season 1
Di naman talaga gitna si Malcolm, apat silang magkapatid eh. Kaso,
yung panganay nila nasa military school as punishment for crimes
against humanity. Kaya. Nakakatawa si Malcolm. Nakakatawa silang
magkakapatid, lalu yung bunso, na minsa'y nagnakaw ng dos litros
pabango sa mall. Ilang gabi rin kaming pinasaya nitong Malcolm in the
Middol.

3. The Interpreter
Si Silvia Broome (Nicole Kidman) ay interpreter sa U.N. Dalubhasa kasi
sya sa African languages. Pinanganak si Silvia sa Africa pero as you
can see, maputi sya. Ito'y dahil sa Likas Papaya ni Ate Linda, ang da
original Ate Guard. Sikat yung Likas Papaya ni Ate Linda, pinapahiram
pa nya yun kay Gio, pampakinis daw ng kutis. Saan na kaya si Ate
Linda? Nasa Infirmary pa rin kaya sya? Well anyway, si Silvia Broome:
Nung minsang gabi na nang umuwi si Silvia, (ang interpreter kasi ng
U.N. ay parang titser din, bogbog sa trabaho), narinig nya ang planong
pagpatay sa parating na dignitaryo galing Africa (ang whisperings ay
in African). Totoo nga kaya? Nanganganib ba ang buhay ni Silvia? Well,
Tito Mike, Pasoookk!! ang Secret Service Agent na si Sean Penn,
nakatutok LIVE beynte kwattro oras sa apartment ni Silvia Broome.

4. Desperate Housewives: The Complete First Season
Sa kilay pa lang ni Teri Hatcher, sulit na ang ibinayad ko.

5. Assault on Precinct 13
Ang likot ni John Leguizamo rito, muntik na akong mainis pero
pagbigyan, di pa rin kasi malimutan ang Leguizamo super-husay acting
sa Romeo+Juliet. Si Ethan Hawke, parang ngayon ko lang uli napanood..
Buti naman, dahil pagod na pagod ako sa Before Sunrise Sunset; daig pa
ang nag-dalawang round sa academic oval. Minsan gusto natin ng
pelikulang di kailangang mag-isip, banat agad, minimum brain cells
required. Ang Assault on Precinct 13 yun. At! May bonus dito: panalo
ang evening dress ni Maria Bello, katakam-takam to the eye.

6. The Woodsman
Si Kevin Bacon, galing preso. Nang-molestya kasi ng bata noong unang
panahon. Uulitin kaya nya ngayong nakalabas na sya? Hm. Kaduda-duda
ang pagpili ni Kevin Bacon ng apartment, dun ba naman sa bungad ng
elementary school eh. Tapos, wala sya gaanong interes sa mga katrabaho
nyang babae. Ramdam kong natutukso si Kevin Bacon, lalu nung may
sinundan syang bata sa mall. Na inulit nya pa uli sa may parks and
wildlife. Kinakabahan ako para sa inosenteng bata. Kinakabahan ako
para kay Kevin Bacon. Di nga kaya nya kayang magbago? Tunay ba talaga
syang kriminal? Buhay pa kaya ang khaki pants na suot nya sa A Few
Good Men? Eh yung maong nya sa Tremors? Huu, andami kong tanong.

7. My Wife is a Gangster
Sabi, maganda daw. Eh di binili ko. Di naman pala maganda.

8. Gundam Mobile Suit Movie I
9. Gundam Mobile Suit Movie II: Soldiers of Sorrow
10. Gundam Mobile Suit Movie III: Encounters in Space
Gundam -- ang paboritong palabas ng UP Vanguard. Di ba kayo nagtataka
sa ROTC noon, panay ang sigaw ng Vanguard sa atin ng "Gundammit
keditt, wear your headjeer! Stikk to the woll! Dobol time!!"?? Kaya
siguro madalang magkaroon ng Gundam, binibili yata agad ni Lt.
Galanida lahat. Saan na kaya si Lt. Galanida? Kernel na kaya sya? Lagi
yun inaasar ng Eksenang Peyups eh. Kumusta na kaya ang Eksenang
Peyups, nakakatawa pa rin kaya? Ang Gundam Movies I-III, the best.
Anonymous desisyon namin ito ni Pilmur at Yonyon. Maaksyon ang Gundam.
Ang galing ng concept ng Gundam, Guntank, Guncannon. Tapos pamatay ang
dogfight nina Amuro at Char, at may bonus pang si Sayla Rapsa. Kung
sana nagpi-play din ang part III, the best na talaga ito. Yun naman
ang pangit dun. Kasalanan ito ni Yonyon eh, sya kasi ang bumili.

11. Team America: World Police
Ang galing ng Team America: World Police. Yung mga puppet, ang sound,
ang weaponry, ang movement. May sex scene pa. Pero exaggerated.
Madalas. Sabagay, ganyan naman sina Trey Parker at Matt Stone eh,
kahit pa man sa South Park. Best actor in a Korean role: Kim Jong-Il.

12. Hotel Rwanda
Malaki ang naging kasalanan ng America dito. Dahil sa Somalian
Blackhawk Down, ayaw na nilang pasukin ang Rwanda. Ang Belgium,
nag-withdraw sa UNAMIR (United Nations Assistance Mission in Rwanda)
matapos i-torture at patayin ng Hutus ang sampung sundalong Belgian.
Ang France naman, kumampi pa sa Hutu Power. Nung pumasok na sa wakas
ang U.N. kasama ang 50 APCs na ni-rent sa America sa halagang 15milyon
dollars tumataginting, 800,000 na na Tutsis at moderate Hutus ang
patay, isang daang araw lang ang nakalipas. Para sa dagdag na
masasaklap na detalye tungkol sa Rwanda noong 1994, i-search sa
google: "Rwanda 1994." Sana may gumawa rin ng pelikula tungkol kay
Major General Kagame ng Rwandese Patriotic Front (RPF), ang rebeldeng
lider na umiskor ng direct military victory laban sa France at
tuluyang nagpatalsik sa Hutu Power papuntang Zaire.

13. Open Water
Leksyon: Kung pupunta sa dive-dive, siguraduhing marunong magbilang ng
tao ang guide.

14. 24 Season 4
Pinapakapangit sa lahat ng 24. Anong klaseng scriptwriting, iisa lang
ang duktor sa CTU?? Counter-Terrorist Unit nga eh! Ang ha-hitech ng
gamit, di maka-sweldo ng dagdag na duktor?! UnbelievaBOLL!! Sa
Veterans' nga andaming duktor, sa CTU pa kaya?? My God, these people.
Ok lang namang pumatay ng character bawat episode eh, pero yung
kapani-paniwala naman, Jack Bauer! Ampocha. Sayang ang pundasyon ng
Season I-III. Buti na lang mas maraming airtime dito si Rapsa Assassin
Terrorist. Kung hindi, hm.

15. Hulk
Pinagsisihan kung bakit binili.

16. 9 Songs
Siyam na kanta. Siyam na sex scenes. Kayo ang humusga.

17. Je Reste
Binili ko ito dahil kay Sophie Marceau. You know, si Sophie Marceau,
ang reynang kina-inlaban namin ni Tuks noon sa Braveheart (selos si
Cutting Edge Moira Kelly). But wait! The subtitoll does not exist. I
therefore conclude: isosoli sa lalung madaling panahon.

Huu, pagod na ako. Rainier, saan na recipe mo!

18. Stealth
Hindi pa DeeBeeDi Booooss. Isoli agad.

19. War of the Worlds
Hindi pa DeeBeeDi.

20. Without a Paddle
Isa pang minimum brain cells required. Pero nakakatawa.

21. The Best Thief in the World
Sa simula, nakakaaliw yung batang "thief" dito, anak ni Mary-Louise
Parker. Papasok sa kung saan-saang apartment, susulatan ng lipstick
ang salamin, magsa-shower, kakainin ang loaf bread sa ref. Pero sa
bandang huli, di na nakakatuwa. Parang yung daga sa Mousehunt na sabi
nga ni Clint, "Ay, di nako natutuwa sa pinaggagawa nya Bay.
Destructive na sya eh. Kung ako yan, papatayin ko talaga yang dagang
yan!" Sabay kuha ng reMOTT at pindot ng eject. Sabagay, nasa coma ang
tatay nila. Pero sapat na dahilan ba yun para guluhin ang buong
barangay? Sagot, Madame Wetness.

22. Belphegor: Le Phantom de Louvre
Nadale na naman dahil kay Sophie Marceau. Korni itong Belphegor.
Binaon ko na sa limot ang kwento.

Meron pa, kaso pagod na ako.

23. X 1999
24. Raining Cats and Frogs
25. The Motorcycle Diaries
26. The Bridge of San Luis Rey
27. Blood: The Last Vampire

28. Darkness Falls
Nakakagulat pa rin. Napapasigaw pa rin kami dito sa bahay. Naalala ko
tuloy nung pinanood namin to ni Daj sa Megamol. Di kinaya ng hi-tech
anti-kaba teknikks ni Daj: "Pelikula lang to Mel. Hindi to totoo. Nasa
loob tayo ng sinehan." Wa epek! Ang popcorn, nagkandahulog-hulog!!

29. Wimbledon
Kapani-paniwalang tennis. Lalu na yung laro ni Paul Bettany, ang
pinakamaswerteng lalaki sa buong Earth, dahil asawa nya si Jennifer
Connelly. Binibiro mo yun, asawa mo si Jennifer Connelly! Tsk tsk.
Well anyway, tennis. Aaahh! Sharapova! Aaahh Clijsters! Aaahh
Sharapova uli! We want cable! We want cable!!

30. Brothers in Arms
Ten minutes pa lang, malaki na ang hinala kong pangit ito. Pangit nga.
So on the 12th minute, hininto ko na ang player at muntik nang apakan
itong Brothers in Arms. Kung ako may pera, di ko sasayangin sa
pag-produce ng ganitong pelikula. Paramihin ko na lang ang FX para pag
naghintay ako ng byaheng Fairview sa P. Noval sakay agad.

31. Steamboy
Napagod ang subtitlist matapos ang isang oras. So paano ko maintindihan??

32. Suspect Zero
The best talaga itong si Ben Kingsley the remote viewer. (Ang remote
viewing ay ganito: May krimen. Nakikita ng remote viewer kahit anlayo
nya sa crime scene. Kaya nga remote eh. Hmkay?) Matinding acting ang
binanatan ni Ben Kingsley dito. Dino-drowing ang krimen in real-time
sa kanang kamay habang ang kaliwa is undergoing uniform circular
motion horizontally. Gawin ninyo. Tingnan ko lang kung di mataranta
inyong axons and neurons.

33. Up and Down
Ang pinakamaganda sa lahat ng nabili ko ngayon. Gawang Czech. May mga
smuggler sa border ng Czech Republic at Slovakia. Madalas Gypsy ang
smugglees. Eh may naiwang bata sa van. Ano ang mangyayari sa bata?
Iiwan ba nila sa highway? Ibebenta? Ano ang epekto nito sa ex-convict
futbol fanatic na si Franta? (Sparta! Praha! Sparta! Praha!) Ano ang
kinalaman ni Propesor Horecky sa lahat ng ito? Wika ni Alipio, Kailan
kaya Brod gagawa ang Pilipino ng pelikulang ganyan? Na tungkol sa atin
yung kwento, sa kultura natin, tapos mahusay ang pagkakagawa. Ang sabi
ko naman, Mabuhay si Ditsi Carolino, Mabuhay!! Oo nga naman Kuya
Germs. Ilang Oscar pa ba ang kailangang mapanalunan ni Raymond Red
para bigyan sya ng higanteng budget for the Mother of All Pelikulang
Pinoy?? Sus, tama na yang mga Starstruck-starstruck na yan. Puro na
lang ganyan. Mga artistang naghihintayang bumitaw ng linya. Acting na
puro paganda. Mga kwentong singlalim ng balat ni Clint. (Mahiyain si
Clint.) Tama na. Sobra na. Totoong acting na.

---

All-Time Favorite DeeBeeDi Booooss

Bilhin ito. Ngayon din.
Di nga.

1. City of God
Starring: Mga Kababayan ni Ronaldinho.

2. Equilibrium
Christian Bale, Emily Watson, Angus MacFadyen

3. Underworld
Kate Beckinsale, Scott Speedman, Bill Nighy

4. House of Sand and Fog
Jennifer Connelly, Ben Kingsley

5. In America
Paddy Considine, Samantha Morton, Sarah Bolger, Emma Bolger

6. Man on the Train
Jean Rochefort, Johnny Hallyday

7. Talk to Her
Starring: Mga kababayan ni Padre Damaso.
Dir. Pedro Aldomovar

8. Sex and Lucia
Paz Vega
Dir. Julio Medem

9. The Machinist
Christian Bale, Jennifer Jason Leigh
Dir. Brad Anderson

10. Maria Full of Grace
Catalina Sandino Moreno
Dir. Joshua Marton

---

P.S.
Mainit na pagbati sa buong GO USTE, partikular sa GO USTE Salinggawi
Dance Troupe, ang Kampeon sa 2005 UAAP Cheerdance Warlahan Ever.
Mahusay kayo! Sa 130,000 pesoses galing Nestle, tiyak maraming
mabibiling DeeBeeDi.

Dito nagwawakas ang DeeBeeDi Booooss Myeeex Myeeex. Mabuhay ang OMB!
Mabuhay ang VRB!!

No comments: