Tuesday, April 29, 2008

Hinahanap-hanap kita, Manilla.


Sun, Oct 9, 2005 at 1:23 PM

Maraming beses na kitang nilayasan, iniwanan at.. Ay, Hotdog pala yun.

Manilla, Manilla.
http://www.flickr.com/photos/ate_guard/50665090/

Unang beses ko pa lang maaninag ang kneepads mo sa Sony Color TV,
Manilla, sabi ko agad kay Tutz: Bai, sya na! Ang! Ultimate Lasalisti!
Yun kasi ang nakasulat sa uniporme mong green: #14 Ultimate Lasalisti.
Ang galing mong maglaro sa loob ng Sony Color TV; pamatay kang pumalo,
tumakbo-takbo, ngumiti. Pero sa iyong angking galing, mas higit pa
ruon ang galing ni Manong Cameraman; di ka nakatakas kay Manong
Cameraman. Marami kayong nagkasya noon sa Sony Color TV: sina Michelle
at Mayette Carolino, Joyce Pano at Co Yu Kang ng Go Uste, si
Macatangay at Bangladesh ng Letran.

Pero iisa lang ang aking binabalik-balikan, Manilla.

Dinayo kita sa Maynila. Ang Rizal Colliseum, dinagsa ng milyon-milyong
Lasalisti at Go Uste. Hirap akong kunan ka ng litrato, gawa ng harang
na chicken-manok wire for maximum satisfaction. Which is, kasalanan ni
Yonyon, dahil mabagal ang piniling MRT. Wala na tuloy upuan sa tabi ni
Remulla. Therefore, ako'y bigo, at ika'y tagumpay but wait! Akalain ko
bang sa UP Gym tayo magkikita sa mata??

Oh yes, sa UP Gym. Kung saan siningko ako ng pingpong titser naming di
masagot ang service kong dobol wid pektuses. Bakit, kasalanan ko bang
ma-late ng disi-sais beses dahil sinusulit ko ang agahan sa Kalayaan?
Eh libre yun, eh. Sya nga maging mahirap, walang pamasahe sa Ikot,
maglakad tungong Math Building. Tingnan ko lang kung di rin nya
sikaping mag-super backhand serve dobol wid pektus.

Well, back to you Mike, nakatutok LIVE sa UP Gym pa-SOKK!! Game 2
ninyo nina Laguilles at Adajar ng Adamson. Naaalala mo pa ba, Manilla?
Noong Game 1? Ang iyong ultra-ismash sa tuwing sisigaw kami ni Mang
Danny ng Go UP!!? Nalito nga yung mommy ni Datuin sa likod namin eh,
panay tuloy ang sigaw nya ng Animo Lasalle! Animo Lasalle!!
Pagpasensyahan mo na si Alipio at Yoli nung Game 2, gusto lang nilang
mapalapit ka sa amin sa change court kaya ang sigaw nila, Go
Adamsooonn!! But Omaigadd, wattdis?? Is dis truly really?? Sa kainitan
ng laro, inihalad mo sa akin ang bolang Mikasa! Pinalo mo ng kanan,
tinanggap ko ng kaliwa. Yun pala ang tinatawag nilang: Luwalhati.
Ibubulsa ko sana ang bola but no, maliit pala ang aking bulsa.

Congratulations sa inyo, Manilla.

Congrats din kay Coach Ramil de Jesus, na panay ang senyas sa referee
ng TWO POINTS at ILIGAN TRAVELING. Pakiyakap na lang daw si Datuin
para kay Totz. Masaya kami at nakapiling ka namin kahit panandalian
lang. Pero ano itong balita, ida-draft ka na raw sa PBA?? But why oh
why?? Ah, ibang Santos pala yun, ang pinsan mong si Arwind. Buti na
lang may Shakey's V-League, magkikita pa rin tayo sa Sony Color TV.
Manaig sana kayo sa Team Muay Thai! At sa Indonesian Riot! At sa Timor
Peace Corps! Salamat sa Shakey's! Sa Shakey's V-League, may Mona ka
na, may Ki... Ay, sorry Gio. Bilisi ang pag-check Brod, iwanan mo muna
yang UP Baguio at parating na si Alex, hahaha.

---

Salamat sa aming Sponsor:
Ang 12X Optical Zoom ay hatid sa inyo ni Mitz of the Panasonic Lumix.
Kumusta ang Japan Mitz? May Horishima ba talaga dyan?? Eh Nanggusaki?
Yihii! Sa wakas, showing na ang Mando-Mitz Mitz-Mando: Holding Hands
in Japan! Lupit Ever.

No comments: