Tuesday, April 29, 2008

Magkapatid sila, pero sa magulang lang.


Mon, Feb 11, 2008 at 12:30 AM

MELO NAMED HEAD OF COMELEC
Jan. 27, 2008
Manila, Philippines

Mga kababayan, sa unang araw ko pa lang sa Comelec, I assure you,
sasabugan ko agad ng rubbing arcohol ang leather seats ni Abalos dobol
with Agua de Pataranta nina Jasper at Osy. Ok lang magkaroon ng
discoloration at bleaching dulot ng Agua de Pataranta. Pag may buhay
pang Abalos-germs nun, I assure you, luluha ang kanilang mga mata sa
80-proof ethanol galing Chem 16 sa Pav 2 na ginawang alak nina Tuks at
Jomar noon. Excuse me. (80-proof nga ba Estacio-san?) Nasaan na kaya
si Aznar, ang madamdaming titser namin ng Chem lab?

Aznar: (Madamdamin.) Wag kayong magtuturo. Walang pera.

Hindi naman sa walang pera. Kulang lang pambili ng bagong Ganzklar pag
sumurender na kaka-play ng divx pirating. Matagal na sigurong iniwan
ni Aznar ang Pav 2. Sana yumaman na sya. Sana nakatulong sa kanyang
non-teaching career ang kaalaman nya sa acids and bases. At si...
Itago na lang natin sa pangalang Lt. Galamuga, nakatulong din kaya sa
career nya ang kaalaman sa chemistry? Nakakuha ng pH 32 yun si Lt.
Galamuga sa acids and bases noon, sabi ni Tuks. Hayop, pH 32, san ka
pa, hahaha. Mas basic pa yun kesa sabong Perla ni Almar (with
anti-pimple properties).

Almar: Aaaaahh! Ayoko na maging mahirap! Ayoko na ng Perla!

Epektib yun, sabi ng nanay ko. Kaya makinis ang kutis ko sa palad,
dahil sa Perla dobol with Oil of Olay ca. 1994-95. Sa kaso ni Almar,
sa next generation ang efficacy, kaya ang kikinis nina Andrei at
Aleck. Sa kaso ng earthworms, sa third generation.

Oo, pag naghilamos ang earthworm gamit ang Perla white (wag yung blue
kasi pang-siga yun), kikinis ang mukha ng grandchildren earthworms
that are not children but are worms. Di lang yun, kung nakipag-sex
itong earthworm sa isa pang earthworm, dahil maulan at malapot ang
lupa, one-fourth ng kanilang apo ay di magsu-survive into adulthood.
Ibig sabihin kung isa lang naging apo ng dalawang earthworm na
nag-sex, yung apong yun ay tatamaan ng guna ng estudyanteng Grade 3
habang nagga-gardening ng zinnia at magic rose. (Guna' -- a blunt
blade used for making a garden.) Mapuputol ang buntot ng apong
earthworm (alin mang buntot yun) pero makakatakas syang buhay. Yun nga
lang, kulang na sya sa height (Kayang tumayo ng earthworm, depende
kung sapat ang visual, auditory at tactile stimuli.), three-fourths na
lang ng original length L_0. In equation form, the new length after
Grade 3 gardening is given by:

L' = ln[1/{exp(L_0^(-0.75))}].

Kaya hermaphrodite ang mga earthworm, dahil ayaw nilang tamaan ng guna
ang kanilang mga apo. I assure you, hindi ito biro. Hanapin sa googol
ang "news@nature, earthworms, Perla white not blue."

Mga kababayan, as you know, matindi ang pagbibilang na ginawa ko sa
Melo Report. Dito sa Comelec, bibilangin ko nang tama ang lahat ng
bagay:

1. Simulan natin sa mga kaibigan ni Director General Avelino Razon Jr.
sa friendster: 74.

Razon: Taena, 74 lang??! I demand a recount! Sa multiply na lang ako,
andun pa si ustebot.multiply.com, makikita ko ang palangiting
estudyants ng UST.

2. Lamang ni Panlilio kay Pineda: 1,148 boto.

Pineda (via satphone from U.S.): What what what? After you denied his
motion for reconsideration to junk my bid for a recount, you turn
around and mess up the count! It is only 1,147, you know.

Melo: Ti, kaya mo rin bang kumita ng 144 milyon sa quarry in just 7 months?

Pineda: That is not the issue here, Mr. Chairman.

Melo: Ti, ano gani jindir mo?

Pineda: Female, of course.

Melo: Ti, ano jindir nya?

Pineda: Male.

Melo: Ti, ilan boto lamang nya?

Pineda: Hmm... Aaahh... Yaaakk! Yakki yucky!! Ew ew!!

3. Load ni Senior Supt. Paul Mascarinas sa La Salle Green Hills: P1.

Mascarinas: Taena, may maitim na balak ata itong La Salle Brothers.
Men! Wag nyong bantayan ang likod ng compound! (Tatawag kay Defensor.)

Babae ng Smart: Sorry, but you are finished here.

Mascarinas: Ampocha, ano hambal mo? Waay na guid ko lodd?? Sinabi ko
na nga ba magpamember na kami sa Load Central! Shet.

SPO4 Roger Valeroso: Sir, di ba naka-unli15 ka Sir?

Mascarinas: Oo nga, amo guid! (Ititext si Razon.)

Limang minuto ang lilipas habang nagtitext si Mascarinas.
Papasok ang mga madre galing sa likod. Papalibutan si Lozada.

Hirap syang magtext, fat fingers sa 8310: Sr, my m itim n blak lasal
bros. wat 2 do?

Babae ng Smart, sa LCD ng 8310: Sorry, but Avelino Razon is Globe.

Valeroso: (Nasa likuran pala ni Mascarinas.) Sabi ko naman kasi sa
inyo Sir, dapat unli20. Laging unli20. Sa unli20, may 1Day unlimited
texts ka na, may 5 all-network texts pa. Bow.

Mascarinas: Namo, gusto mo suntukan na lang tayo? Aahh! Mike D.! Tol! WAT 2 DO??

--

1. Missing Link - ang dating The Weakest Link
Matindi ang game-show memory ni Jonz.
Gio: Si Edu ba yung sa Who Wants To Be A Millionaire dati?
Jonz: Hindi Pare, si Boyet yun. Si Edu yung sa Missing Link.
Gio: Missing Link?
Ian: Ah haha, HOF.

2. logout - ang dapat gawin sa mga account para di magalit si Ian
Ayaw ni Ian ng litrato galing sa di nya kilala:
"Ba't ako pinadalhan ng mga pics nito?? Hindi ko kilala tong mga taong
ito... Oops, di ko pala friendster ito."

3. bilt - sinturon
Ang dahilan bakit kailangang manalo ni Jerry Penalosa:
"I should win because my son is waiting for me. He wants the real bilt!"

4. babayu - ang gayspeak para sa babay (sabi ni Tuks)
Chat log nina Tuks at Alex.
Alexander: anyway, sige brob. iniintay na ako ng misis ko. babayu
Tuks: taenang babayu..buti hindi vavush

5. magkapatid - pwedeng sa magulang, tiyuhin, o sa kapitbahay
Napapag-usapan ang Walang Kapalit.
Alipio: Ano ba relasyon nila?
Joey: Magkapatid sila Sir Al, pero sa magulang lang.

6. cable - wala nito sa Mexico
Ang pangit ng Heroes. Dapat yung mga writer nila wag nang tumigil kaka-strike.
Sylar: When I get back my abilities, I'm gonna kill you.
Alejandro: Di kita naiintindihan dahil Mexicano ako. At saka di ko
alam na killer ka dahil walang cable sa amin.

7. brides - marami nito sa isang kasal
Sa kasalang Awayan. Picturan na.
Yung may hawak ng mike: Susunod po ang friends of the brides and groom.

8. Reuters - what this are?
Sa Pinoy Big Brother. Magre-report kuno ang housemates.
Ibang housemates: Ayon sa Rooters..
Mariel: Ayon sa Re-yu-ters.. What are those??

9. misused - maling paggamit
Sa monthly exam, sagot ng estudyant:
"Drug information prevents misused of drugs because it states the
proper dosage of the medication for efficient use."

10. accompanimist - gitarista, pianista, bahista, tambolista
11. accompaniminist - accompaniment artist
Bilib kaming lahat sa banda sa kasal ni Clint. Katunayan, sila rin sa
kasal ni Daj.
Glenn: Galing nung accompanimist! Ay, accompaniminist!

12. centrifuginal force - ang force sa centrifuge
Sa exam.
Question: The name given to the net force required in keeping an
object of mass m, moving at a speed v, on a circular path of radius r.
Answer: Centrifuginal force

13. landline - ang tawag sa iyo kapag di kailangang bilhan ng lodd ang
cellphone mo
Sa faculty room. May natanggap na text si Ma'am, nanalo raw sya.
Ma'am: Ipa-check ko kaya sa Globe, landline kasi ako eh. Sabi, You won
an Altis, plus 300k daw. Ipa-trace ko ito. From Andy Santiago. Home
partner promo daw.

14. manok - kahit na mukhang ibon, hindi ibon ang manok
Non-avian si Tessa.
Tessa: Di pa ako kumakain ng ibon.
Alipio: E ano yung manok?
Tuks: Hindi ibon yun. Food yun. Kayo talaga, wag nyo ngang lolokohin si Tessa..

15. punong braso - ang kahoy na may masel-masel
Palarong Parmasya. May patintero, kadang-kadang at iba pa.
Ma'am #1: Ano kaya salihan ko? Ano ba pwede salihan ng buntis?
Ma'am #2: E di sali ka sa punong braso!

16. carpio - ang oras na dapat tiga-call center na lang maiwan sa kalsada
Nobyembre-Disyembre. Bigo si Trillanes sa HRM minor in Manila
Peninsula. Naki-park ang APC sa lobby. Nagdeklara ng curfew ang
Malacanang.
Manong Guard sa Lutong Bahay: Manghuhuli ako ng carpio.

17. sombrero - sa motorsiklo, kasing-safe ng helmet
Backride si Glenn kay Dong Pinyut. Wala syang helmet.
Dr. Ramos: O, baka mahuli ka nyan.
Glenn: Ah talaga Sir? (Sabay suot ng sombrero.)

18. Sudoku - isa sa mga kinatatakutan ni Alex (hindi ako takot dyan)
Sa SPP Congress sa Laguna. May slide at pool ang inarkila ng
Plasma-Baguio-MatSci contingent. Slide si Gio sa pool. Didikit ang
buhok sa mukha.
Paul: Oy, Sudoku!

19. eight - ang numerong mahirap bilangin
Nagbibilang si Alex, na naman.
Alex: Ilan kayong adults?
Sagot: Eight.
Alex: Eight, ilan yun?
Hahaha taena, trick question.

20. G.E. - Golden Acres
Babae at kausap, sa MRT.
Babae: Hayaan mo na, sabihin mo na kay Mommy. Kasi 18 na ako eh, pwede
na makipagtextmate.
Kausap: Eh...
Babae: Paunahin mo na ako, baka mag-end up ako sa G.E., Golden Acres.

21. Andum - yung dating Adun ng Protoss
May pina-practice na technique si Froi para talunin si Yoli sa
Starcraft pagbalik galing Netherlands:
"Magku-quick dark ako. Meron na akong Temple of Andum."

22. tansan - ang dahilan kung may sugat ka sa atay
Masarap ang agua de pataranta ni Clint. Pero konti lang maiinom ko.
Clint: Bakit Bai?
Melo: May sugat daw kasi ako sa atay eh.
Clint: Pano nangyari, lumunok ka ng tansan?

Waw, henyo si Clint, wild reader, wild ang imagination.

23. gifts items - ang tawag sa items kung marami kang gifts
Ang ad sa Robinson's Berkeley square:
"Bazaar sale! Gifts items."

24. infraction - yung dating infarction
Sa faculty room uli. Nadale raw ng Biogesic-Alaxan si Ma'am:
"May infraction na ako. I-ecg ako. Sabi ng doktora, dahil sa dalawang
Biogesic. Uminom kasi ako ng Alaxan, tapos Biogesic. Namaga dila ko,
nauutal ako. Mild ischemic attack daw yun."

25. hose - yung panipsip ng shake at juice
Ang sasarap ng shake sa Lutong Bahay noong summer. (Ang tagal na pala ng HOF).
Manong Guard: Pakiulit nga itong shake ko. Ayaw naman pumasok sa hose.

26. 1000 - 10x10
Maraming alam si Onats sa pamamalakad sa Netherlands.
"Kasi Brod, sa Netherlands, pag maggo-grow ka ng livestock, kelangan
may minimum land area vs. population. Kunyari may 100 kang manok,
kailangan mo ng 1 sq.m.. Ay mali, 1k pala, 10x10."

27. liwanag - ang constructive interference ng dalawang shadow
Napapag-usapan ang interplay ng shadow at light sa isang poster.
Onats: Paano nawawala yung shadow sa mata?
Alex: May reflector, para may ilaw.
Onats: Sabagay, pag dalawang shadow nag-meet, liliwanag.

28. 70 - kalahati ng 149.95
Shopping sina Yoli at Alex sa Netherlands.
Onats: O, kita mo Lex, ang laking discount nyan. 149.95, 79.95 na
lang. 50% discount.

29. post guard - poste ng gwardya, o gwardya na naka-poste sa isang lugar
Si Onats, ang butihing tour guide:
"Dyan Lex, safe dyan. May post guard dyan."

30. madonna - prima donna; paimportante
Excited si Alex sa istagan ni Clint. Di pa kami handa umalis.
Alex: Tangina naman to o, para kayong madonna. Si Totz?
Melo: Nagbibihis pa lang.
Alex: Tangina magbibihis pa lang, isa pang madonna yan.

31. panuts - mani
Matalas ang mata ni Ojie, di pinatawad ang menu:
"Tangina tingnan nyo tsong, Panuts -- 135. Hahaha."

32. hello - tawag
Sa faculty room na naman. Nag-ring ang phone ni Ma'am. Christmasy ang ringtone.
Ma'am: "Akala ko, ano ba to, hello o text? Bago kasi yung ringtone ko eh."

33. oreg. - da original
Nagpaxerox ako ng quiz para sa lab. Ang label ni Manong Xerox:
"20 copies w/ oreg."

34. switt - matamis
35. muntt - buwan
Bibo ang deejee sa Heartbeat:
"Ladies and gentlemen, please welcome, Switt Girl of the Muntt."

36. bridemaids - mga kaibigan ng bride (walang s dahil mag-isa)
Sa kasal ni Daj. Malapit na ang Wow food.
Host: And now we will introduce you to the people who contributed to
the success of this wedding. The principal sponsors. (Palakpakan.)
Best Man. (Palakpak.) The Bridemaids. (Ano raw?)

37. tray - puno
Ramdam na ramdam ni Manong Guard ng Isetann Cubao ang Pasko 2007, with
feelings ang pagkanta:
"O Christmas tray o christmas tray..."

38. no - alam
39. nem - pangalan
40. ef - kung
41. say - makita
42. hiven - langit
Buhay na buhay ang ispirito ni Eric Clapton sa Villa Beatriz. Banat ng
nasa videoke (24 hours ito):
"Would you no my nem. Ef i say you in hiven."

43. Comelec - yung dating Sandigan
Exam sa PGCART.
Tanong: A special court tasked to try and decide cases involving
public officials.
Sagot: Comelec.

44. seat - upo (verb)
Exam pa rin ng PGCART.
Tanong: It seats as the impeachment court.
Sagot: Senate.

45. purpose - maraming purposes
Exam ng histopathologic techniques.
Tanong: One of the purpose of this process is to make the tissue
specimen safe to handle by the operator -- safe from infectious
transmissible diseases.

46. tarpolen - yung piniprintan poster at larawan
Sa Piy Margall, may mobile advertising ang isang truck:
"Tarpolen print dial 411-7165."

47. UP - ang Diliman lang daw
Nanonood kaming kickoff parade ng UP Centennial, dobol with native
chocolate sa gilid ng Vargas (P60 ampocha, mahal). Marami na ang
dumaan: UP Manila kasama ang Ati-atihan dancers, may singkit na
dragon, UPLB kasama ang limang platoon ng militanteng estudyants. Si
Richard Gomez ay paksa ng mga bulung-bulungan. Parating na ang
Diliman. Excited si Manong Guard ng Vargas:
Manong Guard: Uy, UP na, UP!
Ang aking konsyensya: Kanina pa UP Manong.

48. carnibal - kumakain ng tao
Taho breakfast na naman sa Villa Beatriz. Maraming kustomer. (Nagbalik
na nga pala si Rey.)
Ate #1: Dagdagan mo ng arnibal Rey.
Ate #2: Ano? Carnibal?
Rey: Hindi, arnibal. Yung pampatamis.
Ate #1: Carnibal, mga perya-perya naman yun eh.
Ate #2: Akala ko yung nangangain ng tao. Carne di ba?
Ako: Mmffftt. Dalawang lima Rey.

---

Narinig sa FX.
Boom: Pareng Tarat, sinabihan ako ng asawa ko, Pumili ka, pag-ibig o kaibigan?
Tarat: Kaya ka ba nandito Pare, pinili mo ang kaibigan?
Boom: Hindi Pare, pag-ibig pinili ko. I love you, Pare.

Happy Valentine's Day!!

No comments: