Tuesday, April 29, 2008

Are You Some Kinda Homophobic? (That is! Ikaw Ba'y Takot Sa Tao??)

Fri, Dec 23, 2005 at 1:07 PM

Team Philippines, Pasikat
December 23, 2005

DON ANTONIO SPORTS CENTER, COMMONWEALTH AVE., QUEZON CITY -- Namayani
ang Team Philippines Badminton Olrayt (TPhBO) sa ginanap na Geisha Cup
D++ (Slowly, with feelings... GAY-SHA KUPP DEE TIN ISON.) kamakailan
lang nitong taon. Infakk, nung Nobyembre pa yun, oo matagal na sorry
naman ngayon lang ang HOF, 24.5-unit LODD eh, ano'ng magagawa koh??
Aaahhhh IT ALL YOUR FAULT!! Mmmppttt!! (Deep breathly 3x.) Pero bago
ang lahat Tito Mike, I would like to greet muna the... Aammmm... Nais
ko sanang batiin ang dalawang Oblationettes na nagpakitang-dibdib at
iba pa OH NO NOT ONE not two BUT FOUR breasts noong Biernes. Saludo
kami sa inyo!! Kahit na wala kayong pasabi, pinapatawad namin kayo,
dahil... Tan tanan tan tan! Ngayon ay Pasko tayo ay mag-Yakapsule,
Ngayon ay Pasko tayo ay mag-Lapchukan! Pasko! Pasko!... Nakita pa rin
namin ang litrato nyo, it's oki olrayt. Mabuhay kayo! Mabuhay ang
nag-tirintas ng hairlets! Isulong ang Equal Rights!! Next year, for
maximum equal rights, kung gaano kadami ang APO, ganun din ang
Oblationettes! Di ba? Di ba Ojie?? Paramihan ng dibdib, back to you
Tito Mike pa-SOKK!!

Background of the Study:
Ang Geisha Cup D++ ay hatid sa inyo ni Totz na syang nagpa-adik sa
aming lahat ampocha ilang milyon na gastos nyo sa badminton??! At
syempre pa, ng convoluted utak ni Alipio, the more convolutions you
have the geniuser you are but the harder it is to de-convolve using
Cantata. Sadyang magulang itong si Alipio, ipinares ang anak na si
Keith alyas Kit kay Irma Yehh Buhawi sa Badminton Court sudat may
porsiyento sa prize money tumataginting ehehe joke lang Brod. (Shett.)
Binuyo ang Brods Japan Chapter bilang Aponsor ayon kay Tuks PhB kung
kaya't... Geisha. Mag-isa lang kasi ang bading, kundi Geicilla Cup
sana hahaha.
But wait! D++ ba talaga si Tin?? Ano ang masasabi mo Tin? Sino sa
Brods ang pwedeng konsultahin? Ops ops kadyot lang, bago magalit,
tandaan, Pasko na, patawad hahaha.

Results and Discussion:
Ang TPhBO ay binubuo ng 16.5 pirasong atleta, lamang pa ng 0.5 piraso
sa entirong delegasyon ng Timor Leste sa Seagames Vietnam Edition.
(Tanong ni Alex sa sarili, bakit may 0.5? Pwede ba yun?? Itanong ko
kaya kay Tuks.. Ay, lalu lang akong alaskado... Lilipas ang ilang
daang taon... Sa wakas, wika ni Alex sa sarili, Aaaahh alam ko na,
hahaha, HAHAHA!) Walang biro, disi-sais lang ang Timor. Athletics,
weightlifting, cycling, karate, tennis, taekwondo, boksing.
Sapatos bigay ng Macau, training equipment at tracksuits galing
Malaysia, pamasahe't tirahan sagot ng Vietnam. O, san ka pa?? "Ang
ambisyon talaga namin, sumali sa futbol tournament," wika ng ulo ng
delegasyon (mahusay managalog ang translator). "Sikat talaga sa amin
ang futbol eh. Sana makasali kami sa Tiger Cup, pero masyadong mahal
magpadala ng team sa labas."

Yun ay taong 2003. Sabi nga ng Globe, Posibleehh, posibleeh... That is
why pagdating ng Tiger Cup 2004 Malaysia+Vietnam Edition, aba abah,
naroon ang Timor! Tuwang-tuwa ang Timor! Tuwang-tuwa ang Pilipinas! At
bakit hindi? Ang kaisa-isang panalo ng Team Philippines sa Tiger Cup
ay courtesy of Timor Leste, 2-1. That is why pagdating ng Seagames
2005 Pilipinas Edition, ganun na lang ang panghinayang ng mga
Bacolodnons sa Panaad Stadium. Wala kasi ang Timor sa Men's Futbol.
Pati mga Bisaya sa Pagadian Sports Complex alyas Sabungan, nalungkot.
Wala kasing pamasahe tungong Bacolod. Pero okira Bai, gikulatas'
Pilipinas ag Cambodia, 4-0. Porbida, 4-0! Madahan?! Aha punita?! Ka-ubo'g TBng
Cambodia!!

But waiiitt Tito Mike, tungkol sa TPhBO itong flash report. Weelll..
As you can see in the video of Rainier in the dot com of
yousendit.com, nadaya ang Team Adias hahaha. Wika nga ni Muay Thai
Prime Minister nung bumisitang Portugal, "A serpente de Gio é saudável
e forte. É o único dobro do réptil com mamífero porque! Após doze
cursos da meia-noite cospe o leite branco no sentido de seu
Aarrrrrrrrrr
esquerdo do olho!! Alarme do alarme!!!" Ampocha kasi, Team Adias,
suot, Nike?? Wattkind of Team?! Mitch joke lang hehehe. Ang Dos
Abandonados sana mag-Champion but no! Si Totz na adik sa badminton,
mas higit pang adik pumasok sa opis ngayon. Hmm... why kaya sya ganun
Tito Mike? Ops ops kadyot lang, bakit kaya ganun ang smile nya?? A-HA!
Alam ko nah! Dahil kay Rapsa Officemate alyas Aarrrrrrrrrrrr!! Go
Tutz! Posibleeh, posibleeh.. Isulong ang.. Aarrrrrrrrrr!! Hahaha.
Ngayon. As i was saying before i was rudely interrupted by Da Return
of Garci, nag-sub ako by virtue of Abandonado properties (two weeks
lang lamang ni
Rainier) BUT NO, umuwing luhaan, wittmeans Mirror mirror, si Totz ang
Abandonadest of them all.

At ngayon. Alam na ng lahat ang nangyari.

Nagkalat ang rapsa sa Marikina Stadium Women's Futbol Audience.
Naghakot ng libo-libong ginto ang Team Philippines sa Mt. Diwalwal --
$18bilyon halaga ng gold reserves but doesn't it make you sad, andami
nang Dabaweniong namatay duon. Si Sheila Mae Perez, umani ng tatlong
gold sa diving matapos ang taon-taong paglalaro sa pantalan ng Dabaw,
kargador kasi ang tatay nya sa pier. Si Jennivev
"Nene" Santillan Tamayo, matapos makuha ang 554,906 text votes o 48.9
porsiyento ng kabuuang boto (500,000 boto mula kay Dyne at Alipio),
nanalo ng P6milyon mula sa Pinoy Big Brother alyas Pinoy ikaw ay Pinoy
ipakita sa mundooo.. Ampocha, gayang-gaya naman sa Chandeliers ng The
Care. I-search sa Google: Chandeliers by The Care, i-click ang unang
resulta, pakinggan. Tingnan ko lang kung di nyo sabihing, Oo nga!! HEY
BANDANG PINOY, wattkind of OPM are you?? OPM-OPM potangyawa. Wattpart
of ORIGINAL Pilipino Music did you not understand? Ha?? Mabuhay si
Dong Abay! Mabuhay si Budoy! Mabuhay ang Foot and Mouth Disorder but
wait! In fairness, magaling ang Orange and Lemons sa
Umuwi Ka Na Bebe ha.. Pwede naman palang ganun, eh bakit ganyan??
Sigaw ni Cesar Montano: Pilipinas, naka-Love ka pa bah??

Presenting!
The 2005 Geisha Cup D++ SPECIAL AWARDS:
Moss Loving Team (Forever and Ever) - Mando Mitz
Iligan Crawling Hall of Fame - Yoli
Moss Beautiful Hair - Mitch
Adik 0, Adik -1 - Ojie Vivien
Pinaka-Maraming Nabiling Alaxan - Alipio
Moss Overworked Referee (One Game Only) - Dong
Manlalaro Ng Taon (Pursigido Category) - Yaya
Sexiess Legs (Of All Time) - Loloy
Sexiess Buntis (Of Them All) - Liza (Anong klase, ba't antagal??)

Merry Kris Kringle from Pagadian is a beautiful cittteee!!

Tandaan (sa jeep ni Manong, byaheng Nova Bayan-Philcoa City Hall):
Sa iyo manggagaling ang iyong ikababading,
Sa iyo rin magmumula ang iyong ikababakla.

Hahaha sakto! Sakto ka Manong! Geisha Cup D++!!


1. acrylic - ang dating arsenic sa periodic table
Ayaw ni Glenn ng MBE kape, may traces kasi ng heavy metals.
Glenn: Mweh, kape muna ako sa Casaa.
Alipio: Bakit ka pa gagastos, may brewed naman kami dito.
Glenn: Nge ayoko yang kape nyo, Acrylic-laced.
Alipio: Hehe bagong element yun Brod, ah.
Glenn: Ay gagi! Arsenic!

2. straight - yung nagbe-bend
May Intel presentation tungkol sa 3d photonic crystal. Eh may perpendicular.
Intel Inside: Galing ah, straight na straight yung pagka-bend!

3. solo - katulad ni Ninoy, ang solo ay di nag-iisa
Galit si Rainier kay Eman.
Rainier: Tanginang Eman yun, nag-solo may kasama.
Yoli: Ano ulit??
Rainier: Mag-isa, may kasama. Pocha understood na yun!
Tawanan.
Rainier: Tulog na nga ako, tangina.

4. Mike Enriquez - ang record holder ng cleft chin sa ilong pa-SOOKKK!!!
Nabighani si Yoli kay Mike Di Namin Kayo Tatantanaaaa!
"Ang gwapo ng boses nya.. Kaso may cleft chin sya sa ilong."

5. preno - ang bosina ng Toyota Corolla
Ginigitgit si Rainier sa Commonwealth. Pipindutin nya ang bosina:
"Beep beep wala kaming preno! Beep beep!"

6. Bailon, MF - ang babaing may tuhod sa siko
Concerned si Mitz sa hygiene of the the pipol:
"May dumi sa tuhod mo.." Sabay himas ng siko.

7. selepono - ang cellphone in Tagalog
Pinabulsa ni Dong kay Rainier ang telepono nya at yosi. Kukunin nya na.
Rainier: Ano pa yung pinatago mo?
Dong: Wala na, yung selepono na lang.

8. Dr Lorenzo Chan - ang duktor na maaring di nag-PhB
Inaalam ni Yoli ang kasaysayan ni Doc Chan.
Yoli: Saan pala graduate si Dr Chan?
Alipio: Mapua.
Yoli: Eh yung doctorate nya?
Katahimikan.
Yoli: Nagdoctorate ba sya?
Katahimikan.
Yoli: Syempre doctor nga eh.
Alipio: Hahaha. Narinig mo yun Brod ha, di ko na kailangan isumbong sayo.

9. mestisong tisoy - kaiba sa netibong tisoy, ang mestisong tisoy ay
tisoy na, mestiso pa!
UP v. UE sa UAAP. Nag-layup si Vainio. Ang galing ng layup ni Vainio.
Ang ganda ng porma. Ang husay ng bitaw but wait! Di pumasok ang bola.
Yoli: Oy in fairness, mestisong tisoy sya ha..

10. Ericho Rosales - ang bagong Panday
Nagpunta ang ASAP sa Japan, long-legged sina Ann Curtis. May lalaking
kumanta este nag-recite pala.
Melo: Sino yan?
Yoli: Si Ericho Rosales.

11. Homophobic - takot sa Homo sapiens
May interview sa tv. Sabi ng ini-interview homophobic daw sya.
Almar: Ha? Homophobic?? Takot sya sa tao??!!
Yaya: Bakit?
Almar: Eh di ba Homo sapiens ang tao?

Hahaha, ano'ng masasabi mo, G. Carolus Linnaeus alyas Father of
Taxonomy? Lalaban ka kay Almar??

12. illicit - direct to the point
May English class sa Japan. Pasikat si Almar, nakapag-Comm I & II kasi
sa AS.
Japanese English Titser: (Tatawagin si Almar, dahil maraming alam sa
English.) Mr Palonpon, what is illicit?
Almar: Illicit - opposite of implicit! Direct to the point!

Winner si Almar.

13. manipis - ang manipis pwedeng makapal din
Inggit si Clint sa shiny shimmery splendor ng aking semi-kalbo:
"Ganda ng buhok mo Bai ah. Makapal pa rin kahit manipis."

14. teeth - ang singular form ng teeths
Napapag-usapan ang wisdom teeth.
Melo: Kailan kaya tayo puntang dentista?
Mitz: Ako nga eh, kelangan bunutan kaso mahal! Bente mil one teeth!!

15. AM at PM - ang modulation bands sa radyong Pinoy ikaw ay Pinoy
Ang officemate ni Totz, natuwa sa hi-tech telepono ni Andy:
"Ang galing ah.... May radyo to ah...... AM tsaka PM ba to??"

16. Phil-Japan - ang tanging byahe kung saan nakakatipid ng isang oras
Paalis na si Mitz tungong Japan para makipag-holding hands kay Mando.
Yoli: Ilang oras byahe mo?
Mitz: 4 hours.
Yoli: Pero, pagdating mo dun, 3 hours.
Mitz: Hindi, 4 hours pa rin.
Yoli: Eh di ba delayed sila ng 1 hour?
Mitz: Ampocha.

17. W.M.D. - Weapon Mass OF Destruction
Pinapanood ni Kit ang 24. Babanatan sya ni Yoli ng Tuks attak which
is! Ikukuwento ang kwento:
"Yang Season 2 tungkol yan sa isang Weapon Mass of Destruction,
papasabugin nila sa Los Angeles."

Villanuyba Power! Walang kupas!

18. /s - per seconds, as in m/s "meter per seconds"
Lunchtime. Bisita namin si Clint. Pero ayaw kumain ng lunch.
Clint: I'm so tired na eh, i don't wanna add to my calories. I'm
burning up ten calories per seconds kasi.
Melo: Hahaha calories per seconds ampocha.
Clint: Oy don't include me ha, i'm your friend.

19. 16-string guitar - ang gitarang di kaya ng powers ni Satriani
Pasikat si Glenn sa Nihonggo. Pati sa pagbibilang pasikat.
Glenn: Konnichiwa!
Mando: Konnichiwa!
Glenn: Karenasai! Hehe nanonood kasi akong Samurai X. (Makikita ang
gitara ni Mando.) Ah! Eto yung 16-string mo?!
Mando: Hahaha. Kabit tayo kay Melo dyan.
Glenn: Nagtatanong nga eh! (Bibilangin ang strings.) 2... 4.. 6.. 8..
10.. 12.. 12 nga!

20. The Darwins - ang tawag natin sa mag-asawang Darwin at Dixie
Nagkakasingilan ng reg fee sa Physics Congress in Iloilo:
Yoli: Sabi ko kanina kay Ma'am, Di pa bayad ang The Darwins.

21. TCWAG - The Calculus Dobol Wid Analytic Geometry pero pwede ring True
Copy of Grades ni Yoli
Ang dahilan kung bakit na-delay ang sweldo ni Yoli sa Atenisti:
"Antagal kasi ibigay ng Registrar yung TCWAG ko, tagal ko tuloy sumweldo."

22. Where are you? - You are here.
Nawawala ang Brods sa Japan. May genius idea si Almar:
"O eto eto.. may mapa... Asan na yung red na arrow.. Yung Where are you?"

23. breast milk - kahit may bagong panganak, mahirap hanapin ang
breast milk kung nasa isolated island
Alas nuebe ng umaga. Nanonood sila ng Lost. May manganganak.
Yoli: San naman sila kukuha ng ipapakain sa bata??

Hapon ng sumunod na araw.
Yoli: Ahhh... Meron palang..

Yun na. Alam na.

24. Astro - Afro
Bumalik na si Erwin sa Plasma.
Yoli: Si Erwin? O si Astro?
Melo: Eh? Anong Astro? Yung Astro na Straight?
Yoli: Oyy.. Wag mo na isali yun..

25. stars - starch
May nagluluto ng chopsuey. Sabi daw ng auntie ni Jan:
"Mas maganda kung lagyan natin ng corn stars."

26. Echo Valley - tulad ng Cagayan Valley, nagsasara din ang Echo Valley
Yoli: Hanggang kelan bukas ang Echo Valley?
Guide: Di naman ho nagsasara ang valley.
Rainier: Eh malay nya may gate?

27. ihali - to mix
Matindi sa figures of speech si Dong:
"Sa tamis ng Gatorade, pwede nang ihali sa kape."

28. Russian - English
Napapag-usapan ang ebooks sa internet.
Clint: Yung mga Russian, English?
Melo: Hahaha, so bale di na sila Russian ano?
Clint: Pucha naman e..

29. potato couch - yung couch na gawa sa patatas
Tambay lang sa bahay si Yoli.
"Potato couch ako sa bahay namin."

30. isa - marami
Gutom na kami. O-order si Alipio ng Jollibee atin ang langhap sarap.
Al: Ano sayo Mands?
Mando: Isang maraming hotdog.

Ay, talagang gutom si Mando ano?

31. lupa - yung babagsakan ng athletes sa diving
Intresado si Dyne sa synchronized diving.
Dyne: Pano yun? Pagbagsak ba nila sa lupa tapos na?
Dondon: Eh... malamang. Patay na sila nun eh.

Lupa. Arayy. It harts you know.
---

Totoo na ito.
Tandaan (sa jeep ni Manong, byaheng Nova Bayan-Philcoa City Hall):
Sa iyo manggagaling ang iyong ikagagaling,
Sa iyo rin magmumula ang iyong ikasasama.

Happy birthday Lord!
World, peace!
---

No comments: