Tuesday, April 29, 2008

The best talaga yung Lion.

Fri, Mar 10, 2006 at 7:17 PM

Alas Marso naaahh, excited ka na bah? Oo ikaw, IKAW! Excited ka na
bang uuwi si Mando?? Eh ikaw, oo, IKAW! Excited ka na bang makita si
Gio??
Tan tanan tan tan...
Sabihin mo na Pare, si Loloy (o si Totz) o si Mando o si Gio!

1. "Kung chi fa choi" - in English, synonymous sa "Happy new year,"
but wait, ang ibig sabihin daw talaga sabi ng Wikipedia ay
"Congratulations and be prosperous" o di kaya pag narinig sa bus,
"Mama mama, pala, taytay naaahh!"
Miss na ni Yoli si Mitz:
"Hi Mitz, Kung chi fa choi! (sana tama...:))."
Eeengk! Mali ah.

2. CPU - cardiopulmonary resuscitation
Nagkakape si Mitz at Michelee (gin-Google ko pa yan, very difficult
question kasi sa Spelling Bee) sa Mc Café' sa Glorietta. Kwento ni
Michelee:
"Alam niyo ba na kaya konti na lang ang volunteers sa ERT (Emergency
Response Team) e dahil nung minsan may nag-CPU (complete with action)
e nakabali siya ng 2 ribs.. Dinemanda pa tuloy siya…"

3. death by family - isang uri ng synchronized dying
Reporting si Shiela Dionisio:
"...kahapon, araw ng Pasko alas 10 ng umaga, tuluyan nang nalagutan ng
buhay si Sen. Barbers kasama ang buong pamilya."

4. pasmatic - pasmado
Sabi ni Pareng Larry ni Gio:
"Baka pasmatic kayo at nakakatulong yun sa gout nyo ni Botog. Halos
lahat ng athlete ganun eh."

5. melting point - kalan kung saan hinahalo ang Bisaya Ilonggo Ilocano
Waray Tausug Subano Bacolodnon Terran Zerg at Protoss hanggang sila'y
matunaw
Usapang MBE.
Alipio: (kay Tessa) Akala ko mga Ilocano lang ang pina-settle sa South?
Kar: Hindi. Pati mga Ilonggo. Di ba Tessa?
Tessa: Oo nga. Melting point na rin kasi yung South Cotabato eh.

6. PBA - ang most exciting show sa TV, that is! kung walang laban si
Pacquiao, o kung hindi anibersaryo ng Edsa, o kung tulog na si Budoy
Purefoods vs. Air21 (Hari ng Padala -- Sagot ko Sir!), 81 eggualees
ang score.
Quinito: "Tabla na po tayo, you can't get any closer to this!"
Alipio: (Esep-esep.) Talaga? E kung idikit ko mukha ko sa TV aber??

7. The Awayan Paradox - To see or not to see, that is the question.
May nakita (o di nakita si Awayan).
Rainier: May nakita akong badminton court samin pero di ko pa nakita.
Mitz: Ano ba talaga, nakita mo o di mo nakita?? Inaasar mo yata ako eh..
Rainier: Ay oo nga no, shett.

8. adjassment - yung magawang mag-adjass
Sikat na naman ang Pinoy -- mahusay kasi si Viloria. Nagyabang na
naman si Arroyo, akala nya yata sya yung nakipag-boksing. Nung Round
8, bouncy na si Viloria. Bogbog ang Mexicano. Tuwang-tuwa si Pacquiao.
Nabuwang ang Coach ng Mexicano.
Coach ng Mexicano: Berahiii!! Berraahii!!!
Pacquiao: Alam nyo mga kaibigan, dito sa boksing, ang importante ay
pokus at adjassment. (CNM: Berahiii! Berraahii!!) Pakiboto nga pala sa
Grammy yung singgol ko ahem ahem Parasayooo ang laban na tooo... (CNM:
Berahiii! Berraahii!!) Ito na, mga kasama. Nakapag-adjass na po si
Brian. Nakapag-adjass na po sya. (CNM: Berahiii!! Berraahii!!!) Yan
ang tinatawag nating.. (drum roll...) Adjassment.

9. friendship - ang online community kung saan lahat magkakaibigan
May talk si Paulsker sa House of Beauty tungkol sa internet cafe.
Melo: San kayo kumikita? Madami bang nagdo-Dota sa inyo?
Paul: Konti lang games namin. Yung talagang malakas, research, chat, friendship.

10. wadding - kasalan
Napapag-usapan ang Edison Deebeedi Booss.
Glenn: Napanood mo na Edison? Ganda.
Melo: Ah? Sino andun?
Glenn: Si Justin Timberlake. Kevin Spacey. Si MacDermott.
Melo: Ah, sya ba yung nasa kasal-kasal?
Glenn: Eh. Si Dermott Mulroney yung sa My Best Friend's Wadding!
Melo: Hahaha.
Alipio: Hahaha.
Totz: Hahaha.
Glenn: Gagi!

11. stim sill - mahiwagang sill; may kakayahang maging kahit na ano
(depende sa ambisyon nya paglaki), pwedeng muscle cell, o di kaya red
blood cell, brain cell, presidentita biatch, executive secretary
biatch, speaker of the house biatch
Naghahanap si Kar ng topic sa Phys305:
"Pwede na ba Kuya Al sa Complex systems yung Stim Sill research?"

12. Lion - ang bateryang lalaban sa Motolite (Pangmatagalan!)
Nahanap na ni Liza (we sell burgers mainit now, don't you know?) ang
dabest battery.
Liza: The best talaga na battery ng cellphone yung Lion.
Alipio: Lion... (Esep-esep.. Yun pala! Ay! Li-ion!) Ah.. Ongano..
Rainier: Istrong yun! Nagro-roar yun!

13. fish - isda; pwede ring fesh
One day, in Utrecht far away..
Onats: Paano ba ginagawa yung rilyenong bangus?
Yoli: Tatanggalin mo yung laman at tinik nung bangus.
Onats: Eh yung backbones tatanggalin din?
Yoli: Wala namang backbone yung isda ah.
Onats: Eh di ba vertebrate yun?
Yoli: Hindi ah..
Onats: Eh ano yun?
Yoli: Fish.

14. Dong - ang expert sa prito at sarciado
Sa hirap ng buhay ngayon, mahal na pati Espada fesh.
Alipio: (Tumitingin ng Espada fesh.) Mahal dito.. Samin, 60 ang kilo.
Dong: (Expert sa Espada fesh.) Isa lang naman luto nyan eh, prito at sarciado.
Al: Brob dalawa ata yun ah..
Dong: Di kasi, yung sarciado, prito muna. (Mahusay!)

15. MTV - movie television
Another day, in Utrecht far away..
Onats: Alam mo bang sa Beatles yung pinakaunang MTV?
Yoli: Talaga? Akala ko sa iba?
Onats: Pero syempre, di pa naman MTV. Movie TV tawag dun dati.
Yoli: Hehehe HOF yata yun...
Onats: Ay shett, music television pala...
Yoli: Sabihin ko kay Mel ha, quits na tayo...
Onats: Hmkay.. Maghintay na lang ako ng Pony..

16. furnish - ah eh, varnish?

Window Shopping
(Based on a True Story)

Starring
Ungats as Lalake
Yoli as Babae (her most daring EVER)

Scene 1 of 2: Magpartner naglalakad...
Lalake: Bakit binebenta pa yan eh parang pinagtagpi-tagping kahoy lang
yan. Wala man lang pintura o varnish.
Babae: Yan nga ang gusto kong ilagay sa bahay natin in the future eh..
Lalake: Kaya kong gawin yan eh.
Babae: O sige. Maganda kasi yang ganyan, na walang ka-furnish-furnish.
Lalake: Huh? (Tatandaan at i-broadcast sa gmail.)

17. pony - sa chess, yung maliliit na Stim Sills na pwedeng maging
Queen Rook Knight (lumaking PONY) Bishop Press Secretary Senate
President Executive Secretary Speaker of the House, General, Spy at
Coup Plotter KUNO

Window Shopping II
(Based on a True Story)

Starring
Ungats as Lalake
Yoli as Babae (her most daring EVER)

Scene 2 of 2: Naglakad muli. Nakakita ng isang gift shop.
Lalake: Weird naman yang chess set na yan. Parang molded clay lang na
pininturahan.
Babae: Oo nga. Korteng et!+$ pa yung mga pony.
Lalake: Pony? Saan dyan?
Babae: Yan o.. Yang mga maliliit..
Lalake: Hmmmm.... Anong spelling?
Babae: (Nag-aalangan na sumagot, takot ma HOF muli) P-O-N-Y. Bakit, mali ba?
Lalake: Uhuh... (Muling tatandaan.)

18. threadmill - yung treadmill na may Mananahi bonus
May dahilan naman kung bakit absent si Ryner Subukan natin.
Alipio: Punta ka sa binyag ni Darwin Brod?
Rainier: Ngek, sabi mo kasi uwi ka eh. Nagpa-sched ako ng threadmill
stress test.

19. enciant - mas luma pa sa luma
20. tarra cotta - los azulejos cocidos al horno de la arcilla de
cualquier forma (en moldes) encendieron a menudo con un esmalte
coloreado that is! molded clay na niluto at pininturahan
Nagpunta si Ryner ng Shanghai para bumili ng North Face Boooss.
Rainier: Kung weekend, pasyal nila ako sa ibang province.
Paulsker: Ano makita mo dun? Wala namang enciant na scenes.. Tulad ng
tarra cotta..
Alipio: Anong enciant??

21. grammar - where is it??!
Sa Unibersidad ng Something Someone. Magkakasalubong ang estudyante't titser.
Student #1: Hi Ma'am, You're look beautiful..
Ma'am: Hello.
Student #2: You're look beautiful ha..

22. fiction - may dalawang uri ng fiction: yung medyo totoo at yung
masyadong totoo
Gusto mag-relax ni Kar:
"Ano pa ba DVD mo Kuya Al? Gusto ko yung mga fiction na di masyadong totoo."

23. feet - tulad ng nasabi na dati, ang singgolar form ng feets
Kelangan ng pump hose sa MBE.
Kar: 2 feet lang ito Kuya Al, bitin. Dagdagan natin ng 1 feet.
Alipio: Hayaan ko na sana Brod eh, kaso..
Kar: 12 inches yung 1 feet ano?

24. temperature - yung pang-basa ng thermometer
Class, this is how you do Calorimetry.
Ma'am: Pag nalagay nyo na yung ice, ilagay nyo uli yung temperature.
Class: Haha.
Ma'am: Ay, thermometer pala..

And now, the Swedish edition. (Hello to our friends over there oberder.)

25. Itchy bitchy spider - ang kantang pang-Arachnophobia
Excited na excited ang bagong parents na sina Chriz at Teng.
Kinakantahan nila si Karl Vincent.
Teng: Ihele na natin si Karl. Itchy bitchy spider came out the water spout...
Chriz: Itchy bitchy spider pala ha..
Teng: Ginawa ko lang yun..

26. MIA - ang pangatlong Indian
Ganti naman si Chriz.
Chriz: Ang cute-cute naman ng baby ko. Kantahan nga kita.. One little
two little four little Indians...
Teng: Hoy, kakantahan mo lang siya, tuturuan mo pang magbilang ng mali.

27. Jim Carrey - ang da original Forrest Gump
Tuwang-tuwa si Ian sa Second Hand Lions.
Ian: (Tinutukoy si...) Di ba siya yung gumanap na anak ni Forrest Gump?
Teng: Oo nga. Ang laki na niya ngayon.
Ian: Ano ba pangalan ng artista na yan?
Teng: Si Haley Joel Osment. At si Forrest naman ay si Jim Carrey.

28. juice - ang pinakanakakabusog of them all
Madaming hinandang pagkain sina Chriz at Teng nung pasko dahil
maraming bisita. Habang naglalaro sila ng poker..
Chriz: Pag ginutom kayo, may juice.

29. bott - parehas, as in bott of them three
Nasa jeep si Alipio. Alert. Jason Bourne ang dating.
Sabi ng katapat nya sa jeep: (Sa girlfriend.) San mo gusto, McDo
Jollibee o Chowking?
Girlfriend: Pwede bott?
Alipio: (Esep esep.) Ongano, kain nga muna akong Philcoa, samahan ko
lang tong mga Bott na ito.


---

That's the art, eh? What to say, and when to say it. The rest is silence.
-- Ursula LeGuin

No comments: