Tuesday, April 29, 2008

Painumin nyo ng sleeping spills.

Thu, May 18, 2006 at 11:33 PM

Ambulansya ng PBA, Nagwawala! Este Nawawala Pala
May 16, 2006 (Martiss)

MAKATI MEDICAL CENTER, BRGY. MAKATING SMASHERS, QUEZON CITY -- Nasa
critical condition pa rin ngayon si Purefoods Tender Juicy Hotdog
Carlo Sat Beside Me Today Eugene Tejada, matapos maaksidente sa laro
nila laban sa Red Bulls sa Antipolo City. (Oo, syudad na ang
Antipolo.)

Ang critical condition ay mapanganib na kundisyon. Wika nga ni D.Engr.
Alex matapos umabsent kahapon sa Philips, "Naku, mahirap yang critical
condition Brod. Mapanganib yan." Ang sabi ko naman, "Why kaya nakita
ni Totz 3pm kahapon ang car nya sa Brgy. Makating Smashers, away from
Philips? Ops ops, na-miss nya agad si Gio??"

Welll.. Back to you, Jessica Soho sa Antipolo, pa-SOKK(!) kahit masikip.

Bumagsak si Tejada nang rumebound ito ng matinding Lupit Ever Rebound
sa kayumanggihing basketbol court ng Waynares Center. Kung nahihirapan
imaginin ang Lupit Ever Rebound, alalahanin lang paano rumebound ang mga
kaibigang tipaklong tulad nina Giovanni Malapit, Armando Somintac at
Arwind Santos. Bago nito ay tumira ang kakamping Tender Juicy Carlo
Sat Beside Me Today Roger Yap ngunit si Roger Yap ay bigo, ang tira ay
mintis. Magchi-cheer sana si Kris I'm Over You Nah Philip, but no,
naalala nyang si James Yap pala ang niligawan nya.

Masama ang semplang ni Tejada.

Ngunit sampung ulit ang malas nya sapagkat dinaganan pa nina Mick
Pinnisi, Ben Wallace at Shaquille O'Neal. Madamdaming wika ni Alex,
"Wow, 4-man pileup, oh myyy!" Ok lang sana si Shaquille, ayon kay Gio
sa Big Toe lang naman ni Shaq ka mapapa-Arrhhayyy eh, e nakasapatos
sya. Si Ben Wallace naman, magaan lang yan, kayang-kaya nga ni Lebron
James eh. Pero si Mick Pinnisi.. Si Pinnisi na parang wrong spelling
lagi ang apelyido..

Si Pinnisi ang problema.

Alam nyo naman yang si Pinnisi, paboritong player ni Tuks at Jomar
yan. Eh si Jomar at Tuks pa naman, ang mga paborito nyan sa PBA
madalas orthopedicmanic. Si Tatay Jawo Bakit Ka Ba Nag-Senador. Si
Rudy "The Destroyer" Distrito. Sina Terry Saldana, Pido Jarencio,
"Dynamite" Chito Loyzaga, "Bicol Express" Dante Gonzalgo, "Mama"
Mamaril, "The Scholar" Philip Cezar, "Sting Ray" Cuenco. Si Mukesh
Advani lang ata di warrior sa mga paborito nila eh. (Paborito ni Tuks
si Advani dahil pati si Jaworski binentahan ng payong, hulugan.) Sa
madaling salita, bogbog si Tejada. Balbas pa lang ni Pinnisi sugatan
na ang kalaban eh.

Nakahilata si Tejada sa hardcourt at di makatayo.

Ayon kay Tender Juicy Carlo Sat Beside Me Today team manager Alvin
Patrimonio, ang injury ay "fracture dislocation of the vertebral
column at the cervical area c5-c6 resulting to spinal cord injury."
Ang epekto raw nito ay ang pagkamanhid at pagkabaldado ng lahat ng
bahagi ng katawan mula sa parte ng injury pababa. "Owwws?!!" sigaw ni
Alex, ayaw maniwala kay Alvin Patrimonio. "May cervix ako sa spinal
cord??! Yesss!" Ay sya, totoo nga, nag-PhysioAna si Patrimonio sa
Mapua.

Syempre panalo sina Mick Pinnisi at ang Red Bulls, 92-75.

Natigil ang laro ng halos isang oras sapagkat, ayon sa Inquirer,
walang mahanap na "special stretcher." Ano kaya ang ikina-special ng
special stretcher? May servomotors for maximum satisfaction? May
kasamang ATM?? But
wait! Ayon naman sa Abante Tonite, wala raw mahanap na ambulansya. In
English, "Houston, is bery the long line sa Da Vinci."

Aba abah! Contact sport walang ambulansya? Anong klase??!

Ikinatwiran ng PBA na kaya wala sa venue ang ambulansya na kinontrata
ng liga sa pamamagitan ng Lifeline Arrows Medical Specialists, ay
dulot ng bagyong "Caloy" noong Linggo. Yun naman pala e, kasalanan ng
bagyo.

Hey PBA, mag-issue kayo ng memorandum:
Tuwing may bagyo dahan-dahan po tayo sa rebound.

Marami ang nakakapansin na makikita lang ang ambulansya sa tuwing
first game lang ng bawat laro at ito ay umaalis na. Marahil ay mas
exciting para sa drayber ang manood nang Nakatutok LIVE sa Sony Color
TV. Pero ayon sa ilang fans, noong Linggo ay talagang wala raw
ambulansya sa labas ng venue.

Agad namang nag-I'm Sorry si Gloria este si Noli Eala pala.

"The accident that happened to Mr. Eugene Tejada is truly unfortunate
and taken by the league with a heavy heart," ayon sa statement ng PBA.

Hmp. Heavy heart. How heavy is heavy aber? What mass per unit volume??



1. one-sided - yung luto ng itlog na may Sunny at may Side at Up
Sa canteen ng UP Baguio. Mainit, summer na kasi, saka naka-jacket pa si Mon.
Gio: One and a happ rice po tsaka chessdogg. Yung egg po, wag nyong i-scramble.
Manang: One-sided, gusto mo?
Mon: (Di mapigil ang pagtawa.) Hmmff, bwahahaha.
Gio: Ikaw Mon ha, wala kang galang. Gegege.

2. output - outlet
Maalam itong si Pareng Larry ni Gio:
"Talagang ganyan Pare, kailangan din natin ng output para mailabas
natin ang mga stress na yan."

3. Quadrelogy - apat na lectures maghapon
4. Quadrilology - yung apat na lectures pa rin, ayon kay Manang Rona
Bored na si Gio sa CS meeting. Nagtititext na lang ng HOF.
Ma'am Ogie: Di na ako nag-commit sa Quadrelogy dahil nag-talk na ako
nung last Quadrelogy.
Dean Rapanut: You mean to say, last Quadrilology??

5. per feet - ang bentahan ng aluminum sa hardware
6. HOM - ang dating Hall of Fame
Di pa tapos mag-shopping si Clint para sa kanyang brand-new bahay.
Clint: Magkano ang aluminum?
Dyne: Per feet yun eh.
Dondon: Ah, masasama ka sa HOM nyan..

7. rosebood - mahiyaing bulaklak ng rosas; o di kaya, ang dating
pangalan ng PC ni Clint
8. hologramic crystals - ang harddisks of the future
Hi-tech usapan sa House of Joy, may hi-tech magazine kasi si Dondon.
Dondon: Ilan ba harddisk ni Rosebood?
Clint: (Sa sarili. Bubunot ng cellphone.) Kabit ka sakin..
Dondon: Meron kasi harddisk dito, 1 terrabyte. Pero gusto ko yung hologramic na.

9. cheeks - singgolar ng cheeksesess
Nagpaplano si Mrs. Somintac ng strategy sa NIP Badminton Cup doubles finals:
"Minsan ko lang ma-smash sa left cheeks ni Monterola, ok na."

10. Alex Math - madalas ay mali, minsan tama, pero sa pagkakataong
ito, alam nyo na
Panay ang inom namin tuwing mapadpad si Tessa sa bahay pagtapos ng badminton.
Totz: Ay may Carlo Rossi na sila na box Bay, 3liters, 700 lang.
Melo: E magkano ba tong isang bote? Hm 207, 750 ml.
Alipio: Naka-save kang 128.
Alex: Hindi, 126.3.
Melo: Ampocha, 7 na nga last digit eh.
Totz: Onga! Ba't ka magkakaroon ng .3??
Lahat (kasama na rin si Alex): Hahahahahaha.

11. 210 volts - ang normal na output ng inyong outlet, yan ay kung
wala kayo sa NIP
Inaayos ni Glenn ang USB-saksakkable harddisk ni Al.
Glenn: Ano to, 210?
Melo: Hahahahahaha. 210 ampocha! Ano yan, hybrid ng 220 at 110??
Alipio: Hahahaha patay ka Brod.
Glenn: Gagi!!

12. etiquette - lingid sa kaalaman ng lahat, ang etiquette ay
adjective talaga, si Alex lang ang may alam
Pati sa poker ay athlete si Tessa.
Tessa: Pwede po ba mag-raise kahit nag-pass ka?
Alex: Pwede, kaso may nagsasabing di sya etiquette.
Melo Al Totz: Hahahahaha.

13. audio book - yung librong walang boses
Bogbog si Tessa sa poker. Syempre gustong gumanti, athlete eh.
"Oy Kuya Alex, pabasa naman ng audio book mo o.."

14. Prashes - sa Pusoy, yung susunod sa Poor House
Malakas ang baraha ni Froi:
"Prashes yung gitna ko."

15. iced tea - ang inuming niluluto muna, para magkaroon ng yelo
Ini-istir ni Totz ang kanyang special iced tea.
Froi: Nagluluto kang iced tea Kuya Totz?

16. tingin - ang paglasa sa pagkain inumin gamit ang dila
Ang cooked iced tea pa rin yata ito ni Totz.
Melo: Lasang juice ito ah.
Tessa: Patingin..

17. Ipil - ang dorm na katabi ng Molave; istrategic ang location dahil
anlapit kay Manong Isaw of Da Best Isaw Inc., inuulam ng
tiga-Kalayaan, dinadayo mula Ilang, Yakal, Kamia, Sampa at Llamas
Residence Hall, pati na rin ng Miriamers at Atenisti
Ihahatid ni Alex si Tessa sa Ipil. E nagbibigay ng directions si Tessa.
Alex: Sobra ka naman, 10 years ako dito sa UP (ang totoo 9 years
lang), alam ko naman yung Ipil.

Sabay hatid sa Sanggumay. Expert si Alex sa UP dorms!

18. hett - to dislike with very strong dislikings
Ma-drama ang kwentuhan sa bukana ng UP Shopping Center.
Manang: Oo, tapos sabi nung babae dun sa lalaki, I hett you!
Manong: Mais mais...

19. next week - ang linggong lumipas
May proposition si Alipio kay Dong.
Al: Pag niligawan mo si R--- Brod, ligawan ko si C-------. Batchmates tayo nyan!
Dong: Ngehehe, sinabi mo na yan next week eh.

20. Sister Act Chapel - ang tanging kapilya sa Baguio na ginawang pelikula
Madaming binisita si Ojie sa Baguio.
Ojie: Nagpunta muna kami sa Sister.. Sister Act Chapel ba yun?
Gio: Pink Sisters yun Brod.

21. four pairs - mula ngayon, Luck ito sa Baguio Pusoy
Madaming kasama si Ojie sa Baguio.
Gio: Sino-sino kayo Brod?
Ojie: Bale four pairs kami na couple.
Melo: So bale andami nyo Brod ano..
Ojie: Pucha, naapektuhan kasi utak ko dito sa lamig eh!

22. 12 - ang bilang ng oras sa isang araw; ang ikinabuhay ng career ni
Kiefer Sutherland alyas "Drop your weapon!"
Gustong maglibang ni Glenn:
"Gusto ko nood tayong 12."

23. alas medya - ang simula ng bawat episode ng 24, este 12
Nakabili si Gio ng 24 Day 5 Deebeedi Boooss, 12 episodes nga lang
laman. Sobrang excited si Mon manood.
Mon: Teht teht teht... (Boses Kiefer.) The following takes place
before 7am and 8am.
Gio: So bale mga 630 ano?

24. Sablon - ang official academic costume ng PBA este UP; ayon sa
memo ng Office of the Chancellor ng Diliman [OC memo ERR-04-023,
February 23, 2004], ganito magsuot ng sablay: It is recommended that
the sablay be worn by females wearing a midi or a long plain ecru
dress or gown, but NOT those wearing a mini skirt. For males, the
formal ecru barong and dark pants and shoes are recommended. Hmkay?
Antok na si Gio sa graduation ng UP Baguio. Buti na lang may
pampagising si Rengie:
"Walanghiya tong mga graduates natin Sir. Di marunong mag-suot ng sablon!"

25. cd - ang dating SIM ng Poweerrr Power to da Pipol!
Kelangan ni Alex ng phone number ng kapatid nya. E low batt na sya.
Sabi ni Awayan:
"Transplant mo cd mo sa phone ni Tutz."

26. The Litongs - ang dating The Darwins, na noo'y The Palimas
Gagraduate na si D. Palima, yehey. Sabi ni Glenn:
"Oy may Doctor and Doctor Litong na ah."
Tawanan.
"Oist di kasama yun, kulang kape ko."

27. watchout - sa nakawan, yung tiga-bantay kung may pulis ba sa tulay
Nung the morning of We wuz robbed ni Totz.
8310: (Magri-ring. Tutugtog ang Agent Orange ng Slapshock.) Agent
Orange get up get up get up. Agent Orange come up come up come up.
Melo: Morpheus este Hello?
Totz: (Seryoso ang boses, ala-Fuel coal ng Calaca Coal-Fired Power
Plant.) Bay sorry nagising ka, pinasok yung bahay namin. Pagamit ng
landline, tawag akong Dabaw.

Abah emergency ito. Reporting sa garahe.

Melo: Anu-ano nawala?
Totz: Wallet ni Clint, phone ni Clint. Nasa sala sya eh. Wallet ko,
saka phone. Si Dondon wallet din ata. Sa inyo Dyne, bag?
Dong: Yung shorts ni Glenn Brod, sinabit sa gate.
Glenn: Oo, yung 50 pesos sa wallet ko di kinuha. Pero yung otsenta
pesos sukli sa yosi ni Totz, kinuha din.
Totz: May isang libo pa ako dun eh. Ay di pala, kasi umutang si Dong.
Melo: (Kay Dong.) Ah mahusay ka Brod. Yun ang kontribusyon mo.
Dong: Nagshorts yun, mainit yung pantalon nya eh.
Melo: Pano pumasok?
Totz: Yung pinto sa kabila.
Dong: May shiny paper clip e. Iniwan.
Melo: Ah shiny ha. Propesyunal yun Brod. Siguro Sterling ang ginamit.
Di ka man lang nagising Clint??
Dong: Sabi siguro sayo Brod, Oy may rebultong nakahiga o.
Tinusok-tusok ka pa siguro.
Clint: I'm soo fucking useless! Aaahh!!

Tahimik lang si Mando. Magsasalita na si Mando.

Mando: Nakita pa ni Ate kanina eh, may nagyoyosi sa labas nyo. Yung
parang ginagawa ni Clint? Dapat nga hihingi ako, kaso naisip ko, Hm,
wag na lang.
Glenn: (Hihiramin ang phone ni Mando. Ida-dial ang 117) Hello,
Emergency? Inakyat po yung bahay namin.
Melo: Ah buti na lang may 2nd floor kayo, kundi, di akyat-bahay yun.
Dong: Walk-through Brod, winalk-through sila.

Samantala, sa loob ng bahay namin..

Totz: Ah Mommy, pinasok bahay namin words words words.
Melo: O anong sabi?
Totz: May bago akong phone. Sanay naman silang nawawalan ako lagi e.
Pero ngayon lang kasi yung talagang pinasok kami.

Magri-ring ang landline.

Landline: Ring ring.
Mommy ni Totz: Hello, anjan pa si Toti? Mama nya to. Parating na yung
Security Manong Guards Made in Dabaw, dalawang platoon, tig-isa bawat
pinto.

Sa garahe uli, galit na si Clint.

Clint: Andun ako e! Dun ako naiinis! Alam mo yun Bay?! Andun ako eh!
Melo: Sa tapang ng mukha mong yan Bay, di ka nila nirespeto.
Dong: Unga, beterano ka pa naman ng Korean War, dapat kaluskos pa lang
ng ipis, gising ka na.
Melo: So ano ang pakiramdam mo Glenn? Galit ka rin?
Glenn: Feeling ko para akong na-victimize, alam mo yun? Parang
na-expose yung yagbols ko sa public?
Melo: Ah hehe. Ilan kaya yun sila?
Glenn: Dalawa. Dalawa yun.
Dyne: Oo, isang nasa loob. Saka isang watchout.
Melo: (Sa sarili.) Hmm isama ko kaya ito sa HOF? Hmmm..

28. ex-housewife - dating asawa; maraming klase ito, may ex-midwife,
ex-mayor ex-governor ex-senator at ex-presidentita biatch
Nanonood kaming House M.D. Season 2.
Glenn: Yan yung ex-housewife ni House.
Tawanan.
Glenn: E kasi asawa sya ni House eh.
Onganaman.

29. japan - ang pera ng Yen
Summer na naman. Masarap na naman umutang. E kaso 0.48 ang peso-yen.
Mando: Hintayin mo na lang Brod. Di stable yung peso-japan ngayon.

30. toes - yung ginugupit ng nailcutter
Gustong maghubad ni Rainier ng sapatos for maximum satisfaction.
Loloy: E maganda ba toes mo??
Rainier: Maganda yan, bagong gupit yan.
Loloy: Ano yan, may leprosy?!

31. paa - yung namamatay pag masikip ang sapatos
May badminton. E walang sapatos si Alex.
Alex: Yung sayo na lang Totz, pahiram.
Totz: E maliit to eh.
Rainier: Wag na, mamamatay paa mo nyan.
Alex: Hahaha kahit di nako maglaro Brod, masaya na ako.

32. sleeping spill - tabletang pampatulog
Umiinom kami sa Beauty. Si Dong lang ang tulog. Sabi ni Paul:
"Oy gisingin nyo, gisingin nyo. Tapos painumin nyo ng sleeping spills."

33. sepia - ang dating henna
34. senna - ang dating henna again
May drowing ng gecko galing Enchanted.
Dondon: Oy, sepia yan ah.
Glenn: Hindi, mali ka. Senna yan.

35. tao - bukod sa wallet at cellphone, ang tao ay ninanakaw din
Dumating na si Joei sa wakas galing Dabaw. Andaming dala para kay
Totz, durian kinilaw durian durian durian.
Totz: At last, we will reveal ourselves to the Jedee..
Glenn: Alam mo bang nanakaw kami?
Joei: O??
Melo: Oo, pero nasoli na sila.
Glenn: Gagi!

36. eucalyptus - isa sa mga pinakasikat na halamang carnivore
Ayaw na ayaw ni Glenn ng durian durian durian.
Totz: (Ngumunguya.) Glenn. Sarap o.
Mando: (Ngumunguya din.) Mmmm..
Melo: (Isa pa.) Mm mmm..
Glenn: (Nasusuka.) Wo. (Tatakpan ng daliri ang ilong.) Woo.
Dondon: Ako patikim konti. Wala nito sa amin e. (Tiga-Ilocos si Dondon.)

Iaatras ni Glenn ang kanyang upuan, palayo sa durian eaters.

Glenn: Sa Mindanao lang may durian no? Sa amin sa Negros, wala akong nakita.
Melo: E eucalyptus?
Glenn: Ah! Hehe dami no? Pero pangit yung mga punong yun. Pinapatay
nila yung damo sa paligid, inuubos kasi nila yung tubig. Poisonous
yung dahon nila. Kumakain ng koala.
Mando: Ha?? Tinataranta mo naman si Melo nyan eh.
Glenn: Ha? Kumakain *lang* koala. Hehe ongano.
Mando: Hehe. Mabagal pa naman yung koala..
Glenn: E kasi yung durian eh, lakas ng amoy. Hehe. Sabi siguro ng
koala, Ngaah, ayan na yung dahonnn!


---

Sa wakas, may Jollibee na sa Everest. Susunod na ang Scott Burger buy
one take one.
Leo Oracion: The Philippine eagle has landed.
Erwin "Pastor" Emata: Masyadong malamig dito!
Romi Garduce: Ba't Jollibee yan?? Heto ang Philippine flag!

---

No comments: