Tuesday, April 29, 2008

Mama, dalawang Pedro Hell.


Fri, Sep 29, 2006 at 11:38 AM

Guimaras, Payaman Dahil Sa Langis
Sept. 24, 2006 (Dominggo)

NUEVA VALENCIA, GUIMARAS ISLAND -- Gumaganda ang hinaharap ng Guimaras
ngayon sa laki ng volume ng langis na nakukuha sa dagat malapit dito,
no, wait, di lang pala sa dagat, pati sa swamps and bitches din. Ang
Guimaras, na kilala bilang taga-bigay ng "the sweetest mango of them
all" sa mundo, ay mas sisikat ngayon bilang tahanan ng oil-producing
mangrove -- "the first of its kind!"

Ang mangrove ay wrong spelling na mangga, nabubuhay sa maalat na
paligid ng swamps and bitches dahil may taglay na OH NO NOT ONE NOT
TWO BUT FOUR kidneys! Hinayang na hinayang si Glenn Aguarte nang
malaman ang balita, sinlaki ng panghihinayang ni Pido Jarencio nung
umiskor pa si Doug Kramer isang segundo na lang naiwan sa game clock.
Taena, ba't kasi naiwang mag-isa si Kramer sa shaded area??! What kind
of defense, Go Uste?? Porke ba't girlfriend ni Kramer si Cheska
Garcia, may karapatan na syang maging libre sa ilalim ng ring?? What
kind of favoritism is datt??! Namuti tuloy ngipin ni Norman Black sa
tuwa, at nabuwang lahat ng Atenisti sa Araneta. Well anyway, si Glenn.
Kung maalala ni Darwinian Palima, si Glenn ay tinanggalan ng kidney
nung 1993. Madamdaming reklamo ni Aguarte: "Yodepugga! Kung bal-an ko
lang may bato ang bakawan, baw, nagpa-transplant na tani ko. Tutal,
ang bakawan, plant guid ya. Damu ko pa nainum na Red Horses!"

Tuwang-tuwa naman si Presidential Spokesperson Ignacio Bunye sa
oil-producing mangrove. Ani Bunye, "The president is very glad, we are
very glad. Dadami ang turista nyan dito sa atin, they will visit the
Philippines to see the oil-producing miracle! At gusto ko sanang
idagdag na, alam nyo, you know, di nandaya si Presidente Arroyo noong
eleksyon. At lalung di namin dinaya yung 100 milyong pirma sa People's
Initiative sa Cha-cha. Di namin binili yung mga kongresistang pumatay
sa impeachment. As you can see, andami naming di ginawa. At marami pa
kaming di gagawin. Dinky, sorry Sister. Natutuwa pala akong ibalita sa
inyo na pumapayat na si Mike Arroyo, at virgin pa si Zara Whites."
Agad namang umalma si Almar: "Aba aba, virgin pa si Zara Whites?? Di
nga?! Clint, totoo ba yun??!" Patunay ni Gloria Arroyo: "I... am...
sorry..."

Mas higit pa kay Bunye, tuwang-tuwa rin ang mga residente ng Guimaras.
Ayon kay John Wesley Duhastnitch, estudyante ng Grade 6, "Lipay kaayo
mi, Ma'am, Sir, kay kanang dahon, stim sill, ug gamut sa mangrove,
naay oil, pirti pa gyung daghana! When I was in Grade 3, Ma'am, Sir,
ingon among maestra, kinahanglan sa plants and kamunggay ang malinis
na dahon at walang bara sa stomata for maximum photosynthesis pero
karon, bahala na nang photosynthesis, Ma'am, Sir, mudatu na mi parihas
sa Saudi! Hahaha! Durqa durqa!!"

Kaya pala ganun na lang ang dami ng Arabong nagpupuntang Guimaras mula
noong Agosto. Dahil pala sa langis sa swamps and bitches. Sina Sheik
Saleh Al Luhaidan, Maktoum bin Rashid Al Maktoum, at Tululu
Anqh-Anqh-na, mga panganay na sheik ng the sixth sheik's sixth sheep
is sick in the sixth ship by the seashore. Oo, the sixth sheik's sixth
sheep is sick in the sixth ship by the seashore! Ayon kay Saleh Al
Luhaidan, "Is true, the leaves and stim sill, with, black oil. Durqa
durqa!" Si Maktoum bin Rashid Al Maktoum: "Is amazing, please to
observe the stim sill. Very good, durqa durqa!" Dagdag naman ni Tululu
Anqh-Anqh-na, "Mm, is many bunker oil, please to my nose, the Petron.
Durqa durqa!"

Congrats sa iyo, Tululu Anqh-Anqh-na, may tama kah!

Ika-11 ng Agosto nang lumubog ang oil tanker na MT Solar I malapit sa
isla ng Guimaras. Naka-charter ang tanker sa ilalim ng Petron na
dalhin ang OH NO NOT ONE NOT TWO BUT TWO POINT TWO MILYONG LITRONG
bunker oil mula Bataan tungong Zamboanga del Sur.

Nagkamali kasi itong kapitan ng MT Solar I. Ayon kay Capt. June
Arellano ng PRC, "Sa isinagawa naming imbestigasyon, lumalabas na yung
leakage sa Nursing board exam, este... Lumalabas, na si Capt. Norberto
Aguro ay di kwalipikadong magpatakbo ng oil tanker. Please lang, wag
nyo akong tanungin tungkol sa Nursing exam, please lang. Yun lang po
sa ngayon. Men, let's move out! Bilis, men!" Kungsabagay, mahirap nga
naman magsalita tungkol sa dayaan sa Nursing exam. Kita nyo naman,
nag-rally ang UST sa harap ng PRC. Eh tuwing kelan lang ba nagra-rally
ang UST, Raul Gonzales? At mahirap din talaga magpatakbo ng oil
tanker. Ayon sa ating malawak na kaalaman sa Warcraft I at II,
kailangan ng tig-isang Town Hall, Elven Lumber Mill, Blacksmith,
Shipyard, Oil Rig, Foundry at Oil Refinery, at sampung magkakatabing
Chicken Farm para maging kwalipikado. Eh siyam lang ang Chicken Farm
ni Aguro. Kulang! Kulang sya ng advanced training program para sa
general tanker safety, at base sa kanyang lisensya at mga
sertipikasyon kasama na ang Birth Certificate, ang akma lamang nyang
i-operate ay chemical tanker. Tingnan mo yan, Raul Gonzales.

Hindi lang yun, Raul. Ayon sa batas militar, este, ayon sa
international law, ito ang mga kailangang safety measures para sa mga
oil tanker: dapat ang barko ay double-hull, ang mga tangke ay
double-wall, dumaan sa nakakatarantang simulations ang tanker master,
may radar, GPS, ultrasonic echofathometer, at lata-latang corn oil for
a healthy Ship Cook. Tama ang hula nyo, ordinaryong Minola cooking oil
lang ang dala ng MT Solar I! Kulang sa budget Solar I!

Bukod sa ordinaryong Minola cooking oil lang ang dala, ang MT Solar I
ay hamak na single-hull tanker lamang. Dito ngayon ang problema. Ang
single-hull tanker ay mahinang klaseng tanker, malambot, di akmang
pang-transport ng langis. Istrikto ang Greenpeace dyan. Kumbaga sa
Starcraft, parang inatake ni Tuks ng 0-0 Marines ang Dragoons at
tabi-tabing Photon Cannons ni Ed Pabit. Syempre gagawin ni Tuks yun,
Batch91 eh, matapang! Pero, pagkatapos magmura at nangagkamatayan na
lahat ng Marines ay mag-a-upgrade din si Tuks ng Body Armor sa
Engineering Bay. Kumbaga sa oil tanker, magiging double-hull na ang
Marines ni Tuks, pwede na ulit lusubin si Ed Pabit. At siguradong
mangagkamatayan uli lahat ng Marines nya pagdating sa kampo ni Ed
dahil mapapamura na lang ang Marines sa hile-hilerang Photon Cannons
na sasalubong sa kanila. Kawawang Marines, heneral lang yumayaman.
Makikipag-engkwentro sa kalaban, butas ang botas at single-hull ang
helmet dahil pagdaan sa procurement ay maraming kawatan. Ay, di pala
Starcraft yun, Armed Forces of the Philippines pala.

Pero teka but wait! Gusto yatang magpalusot ng Petron. Ayon kay
Virginia Ruivivar, public affairs manager ng Petron Corp.,
"Technically, the liability for the oil spill damage rests with the
shipowner... However, we in Petron feel a moral responsibility to
extend every assistance that we can to the province of Guimaras." Ano
yun, Ruivivar? Paki-Bisaya nga?! Depugga, e di papalakpak pa pala kami
dahil naramdaman nyo ang moral responsibility?? Wow, ambait naman ng
Petron, may pekeng kunsensya. Taena, eh sino bang nag-charter ng
single-hull tanker para sa trabahong double-hull?? OH NO, NOT US. Yes,
Oh no, not us, Ruivivar. Akala ba ng Petron di nasasakupan ng
international law ang Pilipinas? Hey, Petron! What part of Miss
International Precious Lara Quigaman did you not understand?!

"Paihi" naman ang teyorya ni DOJ Secretary Raul Gonzales. Ang paihi ay
isang uri ng smuggling, pinapa-"ihi" ng langis ang barko habang nasa
dagat ito. Ang gagawin ng crew ay, tan tananan tantan: bubutasan ang
hull ng barko, bubuksan ang mga barbula sa mga compartment ng langis
at ibibenta ang galon-galong langis gamit ang submersible pumps.
Korek! May isa pang barkong bumabyahe katabi ang Solar I nung gabi ng
Agosto 11. E malakas ang hangin noon, malakas ang alon, nagbanggaan
yung dalawang barko at lumubog ang Solar I. Sabi ni Gonzales, "Matagal
ko nang alam yang paihi, I was not born yesterday, you know, marami
akong alam. Di lang namin hinuhuli kasi wala namang lumulubog na barko
eh, ok lang yun. Ang gusto ko talagang ipahuli, yang mga estudyante ng
UP na mahilig mag-rally, laging kontra kay Arroyo. Umiinit ang dugo ko
sa mga yan, naku! Binigyan ng edukasyong world-class, tapos ganyan
magpasalamat sa estado?? Mmmpptt, mmmppttt!! Nurse, yung Ventolin koh!
Teka, pumasa ka ba talaga ng board exam?? Nurse!" Sang-ayon naman si
Arroyo: "I... am... sorry..."

O, dahan-dahan lang Gonzales, dahan-dahang isaksak yang Ventolin sa
baga mo. Sabi nga ni Patricia Evangelista, na gumraduate on time sa UP
(di nya kinaya ang record namin ni Clint na 9 yrs), "Bakit, ang estado
ba ay si Arroyo? Ang estado ba ay si Gonzales? Hindi. Kahit pa
kumbinsihin tayo ni Gonzales gabi-gabi sa TV. Ang estado ay ang mga
Pilipino. Ang utang na loob ay sa kanila, sa mga nagbabayad ng buwis,
umaasang pagdating ng panahon ay tutulong sa bayan ang mga boys and
girls na nabubuhay sa 1 rice (P5), 1 gulay (P5) a.k.a. the Miguel
Yambot Budget Meal." Patricia Evangelista, may tama kah! Sec.
Gonzales, mabuti pa'y basahin mo itong reading assignment ko sayo:
http://services.inq7.net/print/print.php?article_id=18693. May quiz
tayo pag-ahon ng MT Solar I, mmmpptt mmmppttt!!

Ngayon. Heto na tayo magkayakap sa dilim, este heto na ang MT Solar I
sa ilalim ng dagat. E ayon kay Archimedes, "Ελληνικά! Ελληνικά!" In
Filipino, "Eureka! O, Eureka! Litsi ka ba't mo ko iniwan dito sa
public bath?? Ang saklap! Mag-buoyant force na lang ako: I therefore
conclude that if a fluid is less dense than another fluid, it will
rise." Ayon sa ating research team alyas google.com, ang density ng
tubig-dagat ay 1030 kg/m3, mas mataas kesa nakasanayang 1000 kg/m3 ng
Summit at Absolute dahil sa dagdag na vitamins and minerals mula sa
ihi ng dugong, pusit at sperm whale, at sa ekta-ektaryang asin sa
baybaying-dagat ng Pangasinan. Di hamak na mas mataas ito kesa sa
density ng langis, na umaabot na sa 40 pesos/liter pag unleaded, at 35
pesos/liter naman kapag diesel. Lahat ng fluids ay sumusunod kay
Archimedes, kung kaya't ang MT Solar I, bilang paghihiganti ay
nagpapabiyaya sa mundo ng OH NO NOT ONE NOT TWO BUT UP TO TWO HUNDRED
LITRONG langis kada oras.

Agad namang rumisponde ang mga lokal na residente sa panawagan ng
Philippine Coast Guard na tumulong sa containment at cleanup ng oil
spill. Ang Petron, dahil sa sila ay may konsensya at kailangang
palakpakan, ay nagbayad kada tao kada araw ng makapigil-hiningang
(drum roll please...) animnapung piso tumataginting! Wow, ang bait ng
Petron! Binigyan ng trabaho ang mga tao! Sabagay, makaka-tatlong sakay
din ako ng FX byaheng Montessori-UST sa saysinta pesos ah. Salamat,
Petron! Ops, ops, 300 kada araw na pala ang bayad ng Petron ngayon,
naluwalhati na ang buong Guimaras.

Sa hangaring makatulong sa paglinis ng oil spill, si Ricky Reyes ay
nagpuntang Bilibid para pagandahin ang mga lolah doon, este, para
mangolekta ng buhok. Ang langis kasi ay dumidikit sa buhok. To
illustrate, kapag tayo ay Automatic for the People alyas W.L.L.
(walang ligo-ligo), ano ang texture ng buhok natin? Korek! Oily. Kahit
nga si Cameron, nung watcher sya ni House nung nabaril sa Season 2,
oily rin ang buhok eh, tayo pa kaya? Sabi naman ng mga Atenisti, "Ew
ew, yakk you're so, ew ew! Yaya, where's my moisturizer?!"

Ang yakapan ng buhok at langis ay tinatawag na adsorption. Ang
adsorption ay wrong spelling na absorption, imbes na sa kaloob-looban
ng buhok sumuot ang langis ay sa surface molecules ito kumakapit at
nagbo-bolt in doon. Bakit nagyayakapan ang buhok at langis? Dahil
pareho silang hydrophobic. Nagyayakapan kasi ang mga bagay na may
parehas na phobia, sa Pangasinan, "Birds of the same feather, same
together." Hahaha, Birds of the same feather, same together! Ops, ops,
Danny Ildefonso, kay Alipio magalit, wag sa akin. Oo, kay Alipio
Garcia ng UP Baguio at Diliman all-in-one. Halimbawa, ipagpalagay
nating si Alex at Mando ay parehong may horophobia (takot sa horror).
Maaring totoo, maaring hindi, pero sa kaso ni Alex, totoo ito. Syempre
di ako kasama dyan, ang tapang-tapang ko eh, sisiw nga sakin yung
Darkness Falls, Dark Water at Carnivale Season 1 eh. Wag lang yang The
Ring! Waaagg! Ngayon, e di sabay si Alex at Mando manood ng What Lies
Beneath. Kapag lumabas na yung babae sa bath tub, naku! Horophobia!
Yakapsule! Hahaha. Ops, ops, Mitz, wag masaktan, halimbawa lang. Pero
teka, sabay-sabay nga ba kayo sa What Lies Beneath??! Hahahaha.

Nasa hydrophobia pala tayo. Ang langis ay kumakapit sa buhok dahil
parehas silang hydrophobic. That is, takot sila sa hydrogin. Kung
maalala natin ang Chem 16 sa maka-horophobiang Chem Pav (dun nga ba
ang Shake, Rattle and Roll?), ang hydrogin ay gin na may halong tubig,
para sa mga mahina ang loob tulad ni Bunye. Kung malakas sana ang loob
ni Bunye e di matagal na syang nag-resign sa posisyong T.S.N.M.
(taga-sinungaling ng Malacanang). Kung magawa ni Bunye yun ay pwede na
sya sa oxygin, ang gin na purong gin, para sa mga buo ang loob tulad
nina Scofield, Jack Bauer at Almar. Parisan lang ang oxygin ng
Marlboro Reds at lime (o tubig-dram ng Narra) ay susuka na tayo
pagdating ng alas dos ng madaling araw.

Well anyway, ang buhok ni Ricky Reyes. Nalugi si Sister Ricky sa
Bilibid Prisons Branch dahil mas hiyang mga inmate sa one-on-one
kalbuhan via Admiral blade. Pero wag mag-alala, maraming nakolekta ang
Ricky Reyes sa Katipunan at Espana Branch, nagbabanguhang buhok ng
Miriam, Atenisti at Go Uste. Bag-bag na buhok ang dinala sa drop-off
centers para ibigay sa Coast Guard.

Pero ano ang da best of them all para matigil ang oil spill? Ipa-ahon
ng Petron ang MT Solar I. But wait, bakit di ginagawa ng Petron? Mas
mura kasi ipa-sipsip na lang ang natitirang langis. Taena, tipid
tekkniks again?! Mariing sabi ni Dr. Giovanni Tapang ng Agham, "Hindi
katanggap-tanggap itong rekomendasyon ng gobyerno, masyadong delikado.
Paano pag nabutas ang tubo nila sa ilalim ng dagat? Panibagong oil
spill na naman. Nasaan ang sinseridad ng Petron? I-ahon ang Solar I!
U.P.! Tunay, palaban, makabayan! Tunay, palaban, makabayan! U.P.!"

Dr. Ganni Tapang, may tama kah!

Ang Exxon Valdez, na laging lumalabas sa crossword, pinagmulta ng OH
NO NOT ONE NOT TWO BUT FIVE BILYONG DOLYAR tumataginting! Plus 287
milyong dolyar kabayaran sa mangingisdang Alaskadors, at 3.5 bilyong
dollar para sa clean up ng oil spill nung 1989 sa Alaska. Eh ang
Petron Corp. at Solar I, Guimaras 2006, ano?

Paano na ang coral reefs at mangrove swamps and bitches? Paano ang mga
isda, oyster, clam, whale, dolphin, dugong, pusit, sperm whale,
pawikan, pagong, alimango, alimasag, phytoplankton, tarsier,
Philippine monkey-eating eagle, eagle-eaten monkey at Fighting maroon
parrot?? Paano na ang 4,000 mangingisda, at 26,000 residente, na may
254 na kaso ng respiratory disease? Pasinghutin ka ba naman ng
benzene, ethylbenzene, toluene, xylene at hydrogen sulfide, tingnan ko
lang kung kayanin ng Ventolin ang baga mo.

Wika nga ni Dong Abay kasabay ng power chords:

Umaawiiitt
Sisinghot ang batang bangag

High na high sa highway
Solb na solb sa solbent
High na high
Solb na solb
Sa highwaaayyyy
Sa oil spiiiiiiillll
Sa oil spiiiiiiillll

Hey Petron, what kind of 40-% government-owned corporation are you??!!


1. kamay - parte ng katawan na kayang makipag-holding hands sa sarili
May dalang donut si Mitz. Kain agad kami habang di sya nakatingin.
Mitz: Aha!
Melo: Oy, di ako yun ha!
Totz: Hahaha.
Mitz: E bakit ang kamay mo di mo mabitawan?!

2. Lakers - ang syudad na may dalawang basketbol team sa NBA
Laro ng Dallas v Suns. Galit na si Mando. Dallas kasi nananalo.
Mando: Sino yung tinalo ng Phoenix dati?
Kit: Dalawa pong Lakers.
Mando: Hehehehe.
Kit: Aypp..

3. laway - ang tanging likidong matigas
2006 Fifa World Cup, naglalaro ang England. Tuwang-tuwa si Alex. Ang
popogi nina Lampard, Gerrard at Beckham.
Alex: Hayy...
Clint: Ano yung nginunguya nila ba't dura sila nang dura?
Melo: Laway.
Clint: Hinde.. Solid eh.
Melo: Bale solid ang laway nila ano.

4. sideout - sa futbol, kapag tumambay ang offensive player sa goal ng
kalaban, that is, wala syang defender o di kaya di nya dala ang bola
Yung laro pa rin ng England sa World Cup.
Clint: Kailan sideout?
Alex: Hahahaha, sideout daw Brob. Di volleyball yan!

5. Heartbroken Mountain - ang pelikulang tinalo ng Crash sa Best Picture
Nanonood ng TV si Clint kasama ang nanay nina Yoli. Napag-usapan ang passes.
Weng: Wala namang magandang lumabas sa sine ngayon..
Nanay: Bakit, yung Brokenheart Mountain, maganda yun!

6. salubong - salute
Sabi ni Alex, general na raw si Rainier dahil mas matangkad kay Mon:
"Pag nakita nyo si Rainier, salubong kayo. General yun!"

7. inhumanity - cruelty to humans and animals
Nilagay nila ang aso sa basket.
Alex: Oy wag, inhumanity to animals yan.
Alipio: Hahaha, inhumanity. Cruelty dapat.
Alex: Bakit, tama naman ah.
Alipio: E nakakatawa eh.

8. machinisist - propesyunal tulad ni Mang Danny; di sasaktan ni T1000
pagdating ng gyerang Man v Machine
Pagdating sa trabaho, maraming contacts si Alex.
Alex: Naghahanap ba sya ng employer? May kilala akong may malaking
machine shop talaga. Mataas sweldo ng machinisist.
Melo: Hahaha.
Alex: Ay pota.

9. spiritually - ang pag-inom ng gamot gamit ang ispirito
May pasyente na si Froilan.
Froi: Umiinom ka ba ng gamot?
Pasyente: Oo, Doc. Spiritually ko iniinom gamot ko.

10. heterostructures - mga structure na di baklain
Naghahanap ng subject si Glenn sa enrolment:
"Ano ba yung 305 ni Dr. Salvador? Yan ba yung heterotostructures?"

11. methodolical - characterized by, or performed with method or order
Nagbakasyon sina Tin, Al, Jean at AJ kina Onats at Yoli sa
Neverneverland. Nasa loob sila ng Volvo papuntang Paris, daan ng
Belgium.
Tin: Buti na lang talaga at meron tayong navigator kundi baka
nagkaligaw-ligaw tayo.
Yoli: Pero naman nag-print din si Onats ng mapa natin para kung
sakaling walang navigator.

Pinakita ni Onats ang na-print nya.
Al: Wow! dami niyan ah! Ano yan, bawat lilikuan natin may mapa?
Onats: Oo naman, methodolical kaya ako!
Yoli at Tin: Hahahahaha! Methodolical daw o!
Onats: Sinadya ko kaya yun.

12. car seat - upuang pambata, mahahaba ang paa, may footrest, at
madalas may feeding tray
July 3. Birthday ni Tin. Nakarating na sila ng Brugges, Belgium
pabalik ng Holland. Manlilibre si Tin. Masaya ang lahat. Sinalubong
sila ng waiter.
Waiter: Good evening. How may I help you?
Tin: Good evening! We need a table for five. And also, do you have a car seat?
Yoli, Onats, Jean, Al: Hahahahahaha.
Waiter: Hahaha. No, Ma'am, we are not a car.

13. critical - important or essential
Nakauwi na sila ng bahay. Tumitingin ng litrato sa computer. May shot
si Al kasama ang baby nyang si AJ.
Tin: Wow, ganda ng photo niyo!
Al: Syempre! Ang critical dyan ay yung castle.
Yoli: Di ba dapat eh crucial ang term dun?
Al: Ganun na rin yun.
Onats: Hmmm..

14. shadow - ang dating reflection, ang return of the comeback ng ilaw
o sound waves
Nasa Kinderdijk. Tuwang-tuwa si Tin at Al sa napakaraming windmills.
Al: O brob concept shot. Kunan mo ako na naka-upo sa may canal. Candid
kunwari. Gusto ko kita rin yung mga windmills ah.
Onats: (Katsak!) Ok na brob.
Tin: Ako rin. Gusto ko kita rin yung shadow nung windmill sa canal!
Onats: Shadow? Hmmm... Ahh... Physics?

15. googles - ang sunglasses sa Chem lab at dagat
May email ang officemate ni Rainier galing Malaysia.
To: Awayan, Rainier D
Subject: Help Needed: Swimming Googles
Pahiram naman ako nung Speedo googles mo, nakalimutan ko dalhin yung
sakin dito sa Penang eh. Di ako makalangoy tuloy dun sa pool namin.
Thanks.

16. The Fifth Element - ang pang-apat na libro ni Paulo Coelho
Kumakain sa KFC si Onats at Yoli kasama ang mga bagong kaibigang sina
Leah at Grace.
Leah: Sasamahan ko yung tita ko sa Portugal kasi gusto nila makita
yung, ano nga ba yun, yung may apparition ni Mama Mary?
Yoli: Hmmm... (Nag-isip ng mabilis!) Fatima!
Leah: Ah, oo nga, tama ka. Galing mo talaga!
Onats: Punta na rin kayo sa Santiago de Compostela. Naalala mo yung
The Pilgrimage ni Paulo Coelho?
Yoli: Di kaya! Ibang libro yun, yun yung... (Nag-isip, mas mabilis!)
The Fifth Element!

17. 711 - a series of coordinated attacks on the US carried out on
September 11, 2001
Lumabas na sila ng KFC. Nag-invite si Yoli na dumaan ng bahay sina
Leah at Grace para manood ng BOSDIBIDIBOS.
Grace: Manonood kasi kami ng sine.
Leah: Sa Rotterdam.
Bing (housemate ni Yoli at Onats): Papanoorin niyo yung United 93?
Leah at Grace: Ano yun?
Yoli: Yung tungkol sa 711.

Presenting!
Ganito Kami Doon
(Buhay M.B.A.O. Sa Byaheng Fairview-Taft)

18. boring - bored
Nagkukwentuhan ang kaharap ko sa FX.
Babae1 sa FX: Malayo talaga sa kanila, as in, talaga.
Babae2 sa FX: O, talaga?
B1SFX: Tapos boring ka pa. Di naman sa pag-aano ha, probinsya kasi talaga.
Ako: Hm, promising ah... Magamit nga ang J.B.L.T. (Jason Bourne
listening tekkniks), mmmpptt!

19. stick for once - isa lang ang mahal
Base sa data galing J.B.L.T. mula Montessori hanggang Quezon Avenue,
ang dalawang babae ay M.B.A.O. (makabagong bayani alyas OFW). Mahirap
ang buhay M.B.A.O. Pinag-uusapan nila ang isa pang kasama.
B2SFX: Alam mo si ano, may nanliligaw dun.
B1SFX: Anong hitsura ng lalaki?
B2SFX: Ewan ko. May kotse.
B1SFX: Patay sya sa asawa nya, once malaman yan sa barangay namin.
B2SFX: Oo nga. Dati tahimik sya eh, stick for once. Ngayon hustler na.

20. ting - esep-esep
Spoiled ang anak ng boss ni B1SFX:
"Sabi nung bata, I ting Mommy you not love me ah, because, yung ano
ba, madamot."

21. kinamback - ibinalik sa trabaho
B2SFX: Kumusta na nga pala si ano?
B1SFX: Nagresign na sya.
B2SFX: Ay, kawawa naman. Di na sya kinamback?

22. imyu - Mag-Un
Napunta sa lovelife ang kwentuhan nila.
B2SFX: Di pa kayo ni Albert nun?
B1SFX: Ay, hindi pa. Pero lumalabas-labas na kami nun.
B2SFX: Ah, nag-imyu na kayo, close na kayo.

23. brief – ang mino-model ng mga pogi
B2SFX: Makinis ang kutis nun ni Albert…
B1SFX: Oo, di halatang probinsyano. Pang-model yung mukha nya, model
ng brief, hahaha.
Ako: Taena, walang tiwala sa probinsyano ah, mmmpptt!

24. baksingera – babaing boksidor
B1SFX: Nagtext yung dating girlfriend nya sa kanya. Sabi, "Mas
pinriority ko kaibigan ko kesa sayo." Tingin mo, may pagtingin pa kaya
si Albert dun?
B2SFX: Wala na yun. Masyado ka lang selosa sa kanya, dapat hayaan mo
lang sya. Parang baksingera naman yun eh.
B1SFX: Oy sobra ka naman… Oo nga, hehehe.
B2SFX: Siraulo yang mga lalaki, abnormal. Pero kung gusto, maraming
paraan. Wala na yun.

25. Pedro Hell – sinaunang pinsan ni Edde Hell
Malapit na ang FX sa UST, nasa Espana na. Tapos na ang J.B.L.T., but wait.
B1SFX: Mama, bayad o. Dalawang Pedro Hell, galing Don Antonio.

26. hardbooks – mga librong matigas, buo ang loob, pwedeng uminom ng oxygin
Napapag-usapan ang mga librong fantasy.
Melo: Tatlo lang Terry Pratchett ko eh: Strata, Carpet People saka Feet of Clay.
Glenn: Ay, si Dondon, puro hardbooks!

27. push, tulak – push and pull
Papalitan ni Mando ng fan ang Ti GeForce4 namin ni Rainier.
Clint: Galing mo Mands ah, long nose lang.
Mando: Mahirap nga eh, kailangan push saka tulak.

28. CPU – ang utak ng PC, may kakayahang mag-teleport
Nangangailangan din ng motherboard si Dong.
Dong: Alam ko na Brod, akin na lang motherboard ni Clint.
Melo: Asan ba yung CPU mo?
Dong: Baguio.
Melo: San manggagaling?
Dong: Dagupan.
Melo: Bale… Mabilis ang CPU mo ano.
Mando Clint Rainier: Hehehe.
Dong: Di, kasi yung Auntie ko…
Rainier: Huu paliwanag… Wag ka na.

29. priceless – walang halaga
Nasa fan pa rin kami ng videocard.
Mando: Magkano videocard fan.
Rainier: One thousand syete mil.
Melo: Wala nga mabili eh. Wala sa PC Express, sa Villman…
Mando: Ah, worthless pala, ay, priceless.

30. Internet – ang mabilisang pagdu-duktor sa UP Manila
Napapag-usapan ang batchmate nung high school.
Clint: Naalala mo Bay si ano?
Melo: Oo, nag-intarmed ba sya?
Clint: Oo, MD kasi nakalagay sa email nya eh. Ay hindi, hindi
nag-Internet yun eh.
Melo: So bale wala syang gmail ano hehehe.

31. subconscious – walang-malay
May bad news ang kasama namin sa UST:
"Alam mo na-coma nanay ko. Pagdating namin sa ospital, unconscious na
sya, ay, subconscious, ay…"

32. sicked – nagkasakit
Pina-total ko ang quizzes namin mula June. Ang iskor ng isang estudyante:
"Scores
June 20 – 8/15
June 22 – 8/15
June 29 – 17/20
July 06 – Excused (Sicked - *pneumonia)"

33. product – ang resulta ng division
May ipapatayong condo ang Faculty Union ng UST. Nagsasalita ang isang opisyal:
"100,000 sq.m., tapos 11,500 sq.m. I-divide nyo ho, ang magiging product ay..."

34. tsinelas – shorts
May bagong Adias si Mando.
Al: Ganda ng sapatos mo Brod ah.
Mando: Ongaeh, mura lang yan Brod. Iniisip ko nga kung pwede rin isuot
habang naka-tsinelas.

So sapatos muna bago tsinelas, o tsinelas tapos sapatos?

35. gitna – ang court ng tennis
Naging exciting ang tennis nung may Everly cable na sina Alipio.
Melo: Pano kaya pag si Federer naman.
Mando: O sige, sabihin ni Nadal, kalahati ng gitna, clay.

36. bronze – ang medal ng kampeon
Ang Everly cable, hindi lang pang-tennis, pang-World Basketball pa.
Excited na naman si Quinito:
"Well, make no mistake about it. Slovenia is a title contender in this
tournament. Well, maybe not for the gold medal…"

37. Show Blvd – ang kalsadang maraming palabas
38. safety – adj., walang panganib
39. pira – pambili ng yosi, cellphone at pancit canton
Sa MRT. Masikip. May hinahanap si Manong, nagkakalkal ng gamit. Di nya mahanap.
Manong: Nawala yung cellphone ko!
Manong 2: Ha?! San ka ba sumakay?
Manong: Sa Show lang. Wala pa nga tayo sa Ortigas station, ambilis!
Dito lang yun sa bulsa ko eh, masikip kasi, may bumunggo lang sa akin
kaya napakapit ako, ang bilis!
Manong 2: Tsk tsk, oo nga eh. Akala mo safety na yung nasa bulsa...
I-miscall mo! Nandito pa yun!
Manong: (Tatawa nang hilaw.) Ang malas...
Manong 2: Isa lang ibig sabihin nun, di talaga para sayo yun... Bili
ka na lang ng bago.
Manong: Oo, pag may pira, pag may pira...

40. chip dealer – sa poker, may pinakamaraming chips
Adik na rin sa poker si Pareng Larry ni Gio:
"Oy, si Adrian, chip dealer na!"

41. word of the day – salitang present buong araw, minsan, buong linggo
Sikat ang chip dealer ni Pareng Larry.
Word of the day: chip dealer. (One week na.)
Jonz: Chip dealer… Words yun, Men.

42. tsinking – esep-esep again
Talented ang katabi ko sa FX. Sinabayan ang Love Radio paglagpas ng Araneta:
"What are you tsinking of
What are you tsinking oooooooofff…

I'm all out of love
I'm so lost without you
I know you were right
Ma, may Pantranco."

43. Malburu – Come to where the flavor is
Masarap ang Nestle Raisinets pagkatapos mag-badminton. Nagbabayad kami
sa cashier.
Ale: May Marlboro kayo?
Bagger: Oy, Malburu daw.
Cashier: Ano? Malburu? Hahaha.
Bagger: Ano ba'ng sinabi ko?
Cashier: Hahaha, Malburu. Hahaha.
Manong Guard: Hahaha.
Ako: Miss sukli ko.

44. sickance – 1/60th minitt
Sa pay parking ng UST. Ang panghihinayang ni Manong:
"Akala nila panalo na sila eh. 1 sickance na lang, lamang ng isa, natalo pa!"

---

T: Tara badminton tayo.
J: Bakit, kulang ba kayo?
T: Syempre di kumpleto pag wala ka.

Yihiii.

No comments: